Archive for the Si Istik sa kanyang bayan Category

TULAY NG NAGTAHAN

Posted in Si Istik sa kanyang bayan with tags , , , , on Nobyembre 26, 2011 by batangistik

Tulay sa ibabaw ng Ilog Pasig

Araw-araw sa madaling araw sa paglabas palang ng bahay ni Batang Istik ang masarap na simoy ng hangin mula sa ilog pasig (oo malinis na ang ilog pasig) ang bubungad sa iyo.

Doon matatanaw mo na rin ang magagandang ilaw sa itaas ng Tulay ng Nagatahan.

Ang Sarap pagmasdan, nakadarama ka ng saglit na kapayapaan. At mapapansin na malaki na ang pinagbago ng Ilog Pasig kumpara noon. Sana magtuloy-tuloy na ang pagiging masigla ng Ilog Pasig, kasabay ng masasayang taong nagdadaan sa itaas ng tulay ng Nagtahan 🙂

Advertisements

Nalilito si Istik

Posted in Si Istik sa kanyang bayan with tags , , , , , on Enero 25, 2010 by batangistik

Perstaym pong boboto ni Istik ngayong eleksyon, ang masaklap lang tulad nyo o baka ako na lang ay hindi pa rin nakakapagdecide kung sino ba ang karapat-dapat iboto.

Sa ngayon po tatlo na lang ang pinagpipilian ko at nasa itaas po silang tatlo.

Kayo ba kung tatanungin, sakaling silang tatlo lang ang napayagan ng comelec para tumakbo sino sa kanila ang iboboto nyo?

Sa nagsasabihin hindi na daw kailangang magnakaw, sa nagsasabing hindi daw sya magnanakaw o sa nagsasabing matalino daw sya (plus) piloto pa!

Tulungan nyo po sana si Istik.

Ang mamatay ng dahil sa.. “La Diva”

Posted in Si Istik sa kanyang bayan with tags , , , , , , on Nobyembre 16, 2009 by batangistik

La diva

Isa na yata sa mga naituro ng mga guro natin noong nasa elementarya tayo na sa magpahanggang ngayon ay ina-apply pa sa pagka-pilipino na’tin ay ang tamang pag-awit ng pambansang himno ng bansa.

Noong nasa mababang paaralan ako, tuwang tuwa ako kapag ako ang napipiling kumanta sa stage ng “Lupang hinirang”. Minsan napili na rin ako para kumumpas habang utu-utong nakatingin ang daan-daan kong kapwa estudyante. Ganoon din sa minsang pagkakapili ko para mag ehersisyo at gayahin din nila.

May pagkakataong minsan ay pinaulit sa akin ang pagkakanta hindi dahil sa mali ang pag-awit ko, kundi dahil walang gustong sumabay sa’kin. Hindi naman natin masisi ang kapwa ko mga estudyanteng na halos may panis na laway pa para lang makahapol sa flag ceremony.

Paano ba naman, may mga nakaakibat na parusa sakaling hindi ka maka attend ng flag ceremony at ang pinaka sikat ay ang pa-flag ceremony mag isa sa class room. Pero depende din naman sa guro minsan kapag sunud-sunod ang mga late, titser na rin ang magsasawa kakapakinig ng lupang hinirang kaya papalabasin n’ya ang mga estudyanteng late at pila-pilang ibibilad sa araw. (tapos magrereklamo yung titser na amoy luga ang mga estudyante n’ya).

Kung iisipin nga naman, napaka haba na ng panahon mula noong nilimbag at bigyan ng kumpas ang ating pambasa awit. At kung tutuusin ilang estudyante na rin ang nagbuwis ng kahihiyan para sa himnong ito. Tapos sa pag-usad ng panahon mag-iiba-iba din pala ang anyo sa pagkakaawit nito.

Siyempre pa, saan ba kinakanta ang dakilang awit na ito? sa mga pambihirang okasyon at kahit sa simpleng panonood ng sine at iba pa.

Sa kasalukuyang panahon sikat na sikat ito sa tuwing makikipagpatayan si Manny Pacquiao. Tila isa itong chismis sa isang pamayanan na kahit paulit-ulit mong ipabarangay ay mananatili chismis na walang katapusan.

Ilang laban na ba ang sinugod ni Pacman? at ilang beses na rin bang tinugtog ang Lupang hinirang at ilang beses na rin bang nagkaroon ng kanina-kanilang pakulo-eklat sa kanilang pagkakakanta?

Saganang akin na lang, sana nama’y magkaroon na ng laya ang bawat isa sa kung paano kakantahin ang pambansayang awit ng Pilipinas sa aktong makatarungan.

Kung ang bansang amerika nga ay nagkakaroon ng iba’t ibang daloy ng kanta pero hindi naman nagiging malaking isyu ito sa kanila, bakit hindi na rin ganito ang mangyari sa Pilipinas. Kaysa naman paulit-ulit itong pinag-uusapan na nasa batas daw pero wala pa namang napupurasan.

Sana tulad na lang ‘yan ng simpleng pagkakaroon ng late sa flag ceremony, at least kahit papaano nagagawa na’ting huwag magpalate at kung sakaling malate pa rin may kaakibat itong parusa.

Pero hindi din no, mahirap masabihang amo’y luga ng titser.