Archive for the 'Di Malilimutan Category

KEYK

Posted in 'Di Malilimutan, Kuwentong Kaibigan with tags , , , , , , on Nobyembre 22, 2011 by batangistik

Black Forest Cake

First time ko magpost ng ganito, sa totoo lang naiinggit lang ako sa isang kaibigan na laging nakaka update ng blog kaya susubukan ko muna mag photoblog (wag nyo ko susumbong ha). Ayaw ko namang gawin to sa major blog ko kasi hindi bagay.

Kaka bortdey lang ni Istik nitong nakaraan. Kaya maswerteng may nakapagbigay sakin ng keyk. Salamat.

Nagbalik tanaw lang ako nung kabataan ko, never pa kasi ako napaghanda ng pamilya ko. Naaalala ko lang nung minsang nag bortdey ako tapos wala kaming panghanda (ay mali) wala pala kaming pang ulam. Ginawa ng Tatay Istik ko kinatay nya yung manok na lagi kong hinahawakan sa umaga.. ayun mangiyak ngiyak ako kasi yun daw yung handa ko.

Kailangan talagang pumatay para may panghanda? haha

Isa yun sa pinaka sad na bortdey ni Istik.

Advertisements

Mga TAKSI-L sa Lansangan

Posted in 'Di Malilimutan, Galit na Istik with tags , , , on Oktubre 6, 2010 by batangistik

Namiss muli ni Istik ang pagbablog, kakagaling lang kasi nito sa sakit.

Sa awa naman ng Diyos ay magaling na at kinukumpleto na lang ang paginom ng mga gamot.

Salamat na nga lang at hindi dengue ang sakit ko, dahil pag nagkataon, hindi ko alam kung saan na ako pupulutin.

Gusto ko lang ikuwento yung nangyari sakin yung gabing binabagaan ako ng lagnat.

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Kulangot baw!

Posted in 'Di Malilimutan with tags , on Nobyembre 12, 2009 by batangistik

kulangot

Madalas ka bang nagmamadali? Kung ganun mag-ingat ka dahil malamang sa alamang mangyari sa iyo ang makailang ulit nang pangyayari sa’kin.

Nagaganap ito lagi sa umaga.

Naalala ko pa noong unang pasok ko sa college. nagamamdali akong pumasok sa eskwelahan para makahanap agad ng mga bagong kaibigan.

Pagpunta ko sa kuwarto kung saan nakadistino ang unag subject ko, nag-aalangan pa akong pumasok baka nga kasi magkamali ako. Sakto namang may lumabas sa pinto kaya nagtanong ako.

“excuse me, dito ba ang klase si Sir Achuchu?”

“oo dito nga” sabi ni bagong classmate.

May dumating pang isa at ako naman ang tinanong syempre sinagot ko na: “dito nga”

Hindi ko lang malaman kung bakit ganoon sila tumingin sa’kin. (parang nahihiya)

Noong nakaubo na ako, napahawak ako sa pawisan kong bigote (pero wala naman akong bigote) Nagulat na lang ako sa nadama ko -isang bloke ng kulangot na may isa pang buhok.

Hindi ko alam kung paano ang ire-react sa sarili ko at nagbalik tanaw sa’kin ang mga oras ng papasok ako sa eskwelahan, ganoon din sa pagtatanong ko sa bago kong classmate.

Nakakahiya talaga. Siguro tatlong beses na nagyari sa’kin ‘to. Maswerte lang siguro yung dalawang nauna dahil mga close friend ko ang nakakita nito.

Mula noon pinangako ko sa sarili, na bago umalis sa bahay ay magsalamin muna gaano kaman ka late sa pupuntahan mo. Ang kulangot! baw.