Imbak para sa Disyembre, 2009

Facebook ni Istik

Posted in Tungkol Istik with tags on Disyembre 10, 2009 by batangistik

Batang Istik | Create Your Badge

Isang araw bago ang unang buwan ni Istik sa blog naiisipan nyang gumawa ng account sa facebook.

Sana invite ninyo naman si Istik para maupdate kayo sa mga bago nyang post.

maraming salamat sa mahigit isang libong hits at mga blogger na nasa blogroll ko.

salamat

Tutubee fastfood

Posted in Galit na Istik with tags , , , , on Disyembre 3, 2009 by batangistik

Si Istik ay tipo ng batang kakain lang pag nakadarama na ng gutom. Kaya naman pagkalabas palang ng Opisina, nagbabadali itong naghanap ng makakain. Sakto namang may malapit na Tutubee na fastfood kaya pumila agad ito para makabili.

Sa kadahilanang gusto nitong umuwi agad para mapanood ang inaabangan  love story nila Melason sa PBB Double Up ay naisipang i-take out na lang ito at sa bus na lang kainin.

Omurder si Istik ng meal na Burger, Fries at Coke zero sa halagang P50 pesos na dating 52 pesos.

Agad naman itong binigyan, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon naubusan pala ng fries kaya wait lang daw si Istik ng 2 minutes.

Aba aba aba.. tinamaang ng magaling. kaya nga nagtake out para mapabilis ang buhay nito.

Dahil na order na ni Istik ang fries na hindi man tinatanong kung willing itong maghintay, aba’y pi-nanch na agad.

upu muna daw si Istik, pero saan naman n’ya gustong paupuin ito. punuan ang fastfood dahil nililinis na nila ang kalahati ng nasabing slowfood, kainan  pala.

Wala itong nagawa kundi tumayo at maghintay na lang habang niluluto kuno ang french fries..

Dumating ang 2 minutes at nagtanong na si Istik sa kaherang inorderan kanina

“Miss gaano pa ako katagal maghihintay”

“Ay wait lang sir.. sabay punta sa lutuan ng fries

Pagtingin n’ya wala palang nakasalang. at doon magsasalang palang sila.

inip na inip naghintay si Istik. Sakto namang dumaan ang manager at mukhang nakahalatang may hinihintay si Istik.

“Sir may order na po ba kayo?”

“Oo! kanina pa. sana kasi bago kuhain ang order ng customer n’yo tanongin n’yo muna kung willing silang maghintay.”

“Sorry sir upo muna kayo?

“San mo ako gusto paupuin?!”

Nagtataas ang boses ni Istik at halata dahil maraming naglingunang tao.

“Sir pasensya na talaga.”

“Pasensya, pasensya, kaya nga nagtake out ako para makaalis ako agad, ganun din pala ang kunsumo.”

Marami pang nasabi ni Istik na hindi maganda…

Matapos ang ilang minuto.

dumating ang fries ni istik at talagang sobrang init halos matuklap na ang plastik kaya nilagyan ito ng tissue.

Sabay hablot ng plastik na may lamang fries sabay lalabas na ng pinto.

Noong nakita n’yang walang ketchup, bumalik ito.

“Hay naku. anu ba yan! asan ang ketchup?”

“Ay sorry sir” sabi nung kahera.

Pagkabigay kay istik sabay talikod.

Sabay sabi ng “Pasensya na gutom lang ako!”

‘Yun naman yun e!. kahit may pagkakamali ang isang tao, matuto pa rin tayong humingi ng pasensya dahil tao rin naman sila nagkakamali.

Mukhang naiintindihan naman nila ang kalagayan ni Istik.

Haaaaaaaaay.. kaya wag palipas ng gutom, nakakasama yun sa buhay ng tao. hehehehe