Imbak para sa Nobyembre, 2011

TULAY NG NAGTAHAN

Posted in Si Istik sa kanyang bayan with tags , , , , on Nobyembre 26, 2011 by batangistik

Tulay sa ibabaw ng Ilog Pasig

Araw-araw sa madaling araw sa paglabas palang ng bahay ni Batang Istik ang masarap na simoy ng hangin mula sa ilog pasig (oo malinis na ang ilog pasig) ang bubungad sa iyo.

Doon matatanaw mo na rin ang magagandang ilaw sa itaas ng Tulay ng Nagatahan.

Ang Sarap pagmasdan, nakadarama ka ng saglit na kapayapaan. At mapapansin na malaki na ang pinagbago ng Ilog Pasig kumpara noon. Sana magtuloy-tuloy na ang pagiging masigla ng Ilog Pasig, kasabay ng masasayang taong nagdadaan sa itaas ng tulay ng Nagtahan ūüôā

Advertisements

ANG MAKATI SA SKYWAY

Posted in Picture Picture, Uncategorized with tags , , , , , , on Nobyembre 24, 2011 by batangistik
Mga Gusali sa Lungsod ng Makati

Halos 12 beses sa loob ng isang linggo ang nilalakbay ni Batang Istik sa kaitaas ng Skyway -balikan.

Katumbas ito ng duse-dosenang katang isip na nabubuo habang na sa loob ng Bus pa-Alabang.
Laging nauupo si Istik kaliwang upuan ng bus kapag pupuntang Alabang at sa Kanan naman kapag pabalik na ng Maynila. Gustung-gusto ko kasing nakikita ang nagtataasang gusali ng Makati.
 
Sana, balang araw, maitayo na dito ang isa sa pinaka-matataas na gusali sa buong mundo. Ang ganda-ganda sigurong pagmasdan nun kapag nasa taas ka ng Skyway. 

KEYK

Posted in 'Di Malilimutan, Kuwentong Kaibigan with tags , , , , , , on Nobyembre 22, 2011 by batangistik

Black Forest Cake

First time ko magpost ng ganito, sa totoo lang naiinggit lang ako sa isang kaibigan na laging nakaka update ng blog kaya susubukan ko muna mag photoblog (wag nyo ko susumbong ha). Ayaw ko namang gawin to sa major blog ko kasi hindi bagay.

Kaka bortdey lang ni Istik nitong nakaraan. Kaya maswerteng may nakapagbigay sakin ng keyk. Salamat.

Nagbalik tanaw lang ako nung kabataan ko, never pa kasi ako napaghanda ng pamilya ko. Naaalala ko lang nung minsang nag bortdey ako tapos wala kaming panghanda (ay mali) wala pala kaming pang ulam. Ginawa ng Tatay Istik ko kinatay nya yung manok na lagi kong hinahawakan sa umaga.. ayun mangiyak ngiyak ako kasi yun daw yung handa ko.

Kailangan talagang pumatay para may panghanda? haha

Isa yun sa pinaka sad na bortdey ni Istik.