Archive for the Ka-istikan Category

SAYO NA LANG SANA

Posted in Ka-istikan with tags , , on Hunyo 10, 2011 by batangistik

Wow mga kaistikan! 6 months na pala ang huling post ko dito, at 6 months na ring walang gustong umampon sakin.

Yep! yep! yep! pinamimigay ko na po itong site na ‘to ang kaso walang gustong tumanggap.

Hindi ko alam kung dahil sa luklukan ba ito ng panget at walang kakuwenta-kwenta? o dahil nanghihinyang lang sila na mabago ang istilo ng mga nailalahad dito ni Istik.

Mas nakakahinayang naman dito kung hindi na ito mapakinabangan di ba?

Mula noong matapos ang pasko at pumasok ang taon, pinilit na ni Istik na maging masaya.

Hmm.. masaya naman sya ngayon, medyo natatakot lang sa mga panahong hindi nya naiintindihan ang ilang tanong at pagkakataon.

Andito ka nga, nandirito sya, nandito tayo.. pero marahirap tantyahin ang mga sitwasyon hindi mo maisplika kung ano ba ang tunay na isinasabuhay nito.

Nakakatakot bang masanay sa ilang bagay na alam mong magiging masaya ka?

Nakakatakot din ba ang mga sandaling pumasok ka sa isang kahon at alam mong hindi ka na makalalabas dito?

Katulad din ba ito sa pagkakataong baka mawala ang bagay na pinagkakaingat-ingatan mo?

O sadyang natatakot ka lang maulit ang mga bagay na kinakatakutan mo?

Mahirap maramdaman ang mga bagay na ibinibigay o ipinagkakaloob subalit may pagkakataong hindi mo maturan kung anong ningning meron dito katulad sa isang dyamanteng may kislap.

Nakakapraning ang mga simpleng mensahe na kakaunti subalit may laman… (e praning nga e!)

Baliw baliwan na ngang maituturing ang mga bagay na paulit-ulit na naglalabas-masok sa aking isipan.

Ang nais ko lang naman, alagaan nawa itong bahagi ng katawang lumilikha ng tunog na sumasambit ng iyong pangalan.

 

 

 

PASKONG ISTIK

Posted in Ka-istikan, Pag-ibig ni Istik with tags , , , , on Disyembre 26, 2010 by batangistik

CHOKOLATE:

Gusto kong umpisahan ang kuwentong ito sa isang tsokolate. Nitong nakaraan umatend ako sa Xmas Party ng mga kaibigan at syempre dahil nandun si Karas kailangan akong makapunta. Buong gabi ko yatang tinitigan yun, kaso hindi man lang ako pinansin. So gumawa ako ng paraan para magpapansin: tamang-tama naman at mayroon akong chocolate sa bulsa siguro apat yun, kaso mahahalata naman ako kung siya lang bibigyan ko so para hindi naman ako obvious binigyan ko din yung katabi nya.

Sobra akong happy kasi napansin nya din ako kahit papaano. hoho

Kaso nung medyo tumagal na tinawag nya ko “Istik, istik! hawakan mo muna (yung chocolate) kuhain ko na lang sayo mamaya. Tuwa naman ako, kasi pinansin nya ako uli.

Kaso hanggang makauwi na kami, nakalimutan niya nang kuhain.

Magpatuloy sa pagbasa

INDI NA NAMAN SI ISTIK

Posted in Ka-istikan, Tungkol Istik with tags , , , , , , , on Disyembre 10, 2010 by batangistik

Sa loob ng kulang-kulang dalawang buwan, naging senaryo na ni Batang Istik ang gumugol ng dalawa hanggang tatlong oras na biyahe (papunta o pabalik palang yun) sa cavite. Bukod sa aksaya na sa oras, tila nagtatapon din si Istik ng humigit kumulang P 170 sa pamasahe na dapat ay ginagasta na lang sa pagpapataba ng buto nito.

Kaya naman upang matigil na ang kabuangang ito.. mananatili na lang ako muli sa Maynila, pero hindi sa una ko nang tinuluyan kundi sa bago ko nang tahanan.

Magpatuloy sa pagbasa

Sinong namimiss mo doon?

Posted in Ka-istikan with tags , , on Setyembre 24, 2010 by batangistik

Lahat tayo ay may maituturing na bestfriend, kahit nga aso puwede nating ituring ng ganito. Pero paano kung ang tinuturing nating pinakamatalik na kaibigan ay matagal ng nawalay sayo?

Syempre meron din ako nito napakarami nga nila. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ni-isa sa kanila ay wala akong makita sa personal ngayon.

Magpatuloy sa pagbasa

Makuha ka sa tingin

Posted in Ka-istikan with tags on Setyembre 21, 2010 by batangistik

Kailan lang nagpunta ako sa MOA, may kinatagpuan ako doon, itago na lang natin sa pangalang POPEYE (hindi nya daw kasi type ka EB nya haha). Wala namang salamin si Popeye the sailor man pero  may salamin yung tinutukoy ko (wala lang para konektado sa tao).

Dahil nga may salamin sa mata si Popeye nagbiro akong sinukat ito at nagulat ako sa pagkakaiba ng meron sa wala. Ang laki ng deperensya! parang sinukat sa akin ang salamin kaya naging malinaw ang paningin ko.

Doon ko nalaman na nanglalabo na pala ang mata ni Istik.
Magpatuloy sa pagbasa