Archive for the Pag-ibig ni Istik Category

PASKONG ISTIK

Posted in Ka-istikan, Pag-ibig ni Istik with tags , , , , on Disyembre 26, 2010 by batangistik

CHOKOLATE:

Gusto kong umpisahan ang kuwentong ito sa isang tsokolate. Nitong nakaraan umatend ako sa Xmas Party ng mga kaibigan at syempre dahil nandun si Karas kailangan akong makapunta. Buong gabi ko yatang tinitigan yun, kaso hindi man lang ako pinansin. So gumawa ako ng paraan para magpapansin: tamang-tama naman at mayroon akong chocolate sa bulsa siguro apat yun, kaso mahahalata naman ako kung siya lang bibigyan ko so para hindi naman ako obvious binigyan ko din yung katabi nya.

Sobra akong happy kasi napansin nya din ako kahit papaano. hoho

Kaso nung medyo tumagal na tinawag nya ko “Istik, istik! hawakan mo muna (yung chocolate) kuhain ko na lang sayo mamaya. Tuwa naman ako, kasi pinansin nya ako uli.

Kaso hanggang makauwi na kami, nakalimutan niya nang kuhain.

Magpatuloy sa pagbasa

Advertisements

Larawang Kupas

Posted in Pag-ibig ni Istik with tags , , on Pebrero 25, 2010 by batangistik

Sino ba nakaimbento ng Camera? gusto ko syang pasalamatan dahil kung hindi sa kanya wala ding larawan.

Bakit nga ba tinuklas ang pag buo ng imahe sa papel? Hindi ba’t para manatili at maitala ang mga bakas ng nakaraan? kasama na yung pinakamasasaya at minsay malulungkot na parte ng buhay.

Sobra ko nang namimiss ang mahal ko, kaya madalas kong tinititigan ang kanyang larawan. Minsan pa nga natutuluan ito ng luha ko at nagpapaka fairytale na mabubuhay at babalik muli ang natatangi kong mahal.

Matagal tagal na rin buhat noong kamiy magkahiwalay at ngayoy pilit na binabakas ang kanyang mukha sa aking alala kung mayroon bang pinagkaiba.

Ganoon pa rin kaya ang kanyang magagandang labi?, ang kanyang mga pisngi, ang mga mata at ilong? sobrang nakakamiss.

Sana mabigyan muli ako ng pagkakataong masilayaan ang napaka amo nyang mukha.

Kaso suntok pa rin sa buwan, mahirap makita ang taong ayaw ng magpakita 😦

….nakakalungkot

Ang Hirap..

Posted in Pag-ibig ni Istik with tags , on Pebrero 2, 2010 by batangistik

Akala ko muli ng magiging masaya ang puso ko pagkatapos na malaking pagkakasugat nito.

Akala ko tuluyan ng maghihilom ito buhat ng makilala ko ang taong tinutukoy ko. Pero parang madadagdagan pa.

Huli na nang malaman kong ang napupusuan ko pala ay commited na sa iba.

Mas lalo na nang nakita ko yung kabiyak niya sobrang opposite ko.

Ano naman kaya ang panama ni Istik sa taong iyon? Wala.

Ayokong manira ng relasyon. Ayokong maging dahilan ng pagkakawalay nila. Kung sakin mangyari yun ganun din ang mararamdaman ko.

Walang ibang dapat gawin kundi lumayo at itanim sa isip na hindi puwedeng ipilit ang mali.

Kaya muli na namang nalulungkot si Istik.

Theme Song ni Istik

Posted in Pag-ibig ni Istik with tags , , on Enero 26, 2010 by batangistik

May namimiss lang po si Istik.

(hindi po ako may gawa nito, nakita ko lang din ito sa youtube)

Nalulungkot si Istik

Posted in Pag-ibig ni Istik with tags on Enero 20, 2010 by batangistik

Nalibang lang ako kakafacebook, nakalimutan ko meron din pala akong blog. hehe

Wala naman akong kakaibang kuwento ngayon bukod sa madalas akong dalawin ng lungkot.

Niniisip ko pa rin yung taong may dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Bakit ba kasi nauso pa ang pagmamahal?


At bakit ba nasasakatan ang puso ng mga payatot na tulad ko?

Ayan tuloy natatakot na magmahal muli.

Nakakatakot na ganun uli ang mangyari.

Sabi nila imposibleng mabuhay sa mundo na walang pagmamahal, kaya nga daw dumadami ang mga payatot na tulad ko dahil sa love making di ba?

Pero kung natatakot kang magmahal, nakakatakot ka din palang mag-isa. Kahit sabihin nadyan ang pamilyang istik iba pa rin kung may isa ka pang istik na mamahalin.

Ikaw, minsan ka na rin bang natakot magmahal muli?

Senti under the tree

Posted in Pag-ibig ni Istik with tags , , on Nobyembre 18, 2009 by batangistik

Minsan nang nakapanood si Istik ng isang pelikula na may kaugnayan sa isang puno. Pagkatapos mapanood iyon, parang kaugnay na ang lahat ng puno sa bawat pag-ibig ni Istik.

Single si Istik ngayon at napakasarap magpakaemo ngayon. Siyempre saan pa ba niya pipiliing magpakaemo kundi sa ilalim pa rin ng puno.

Nakatingin sa mayayabong na dahon, minsan na man sa mga sangang tuyo at minsan sa mga ugat nito. Marami siyang pumisyong nagagawa dito habang nagmumukmok. Minsan nakasandal sa Puno habang nakadigit ang isang paa sa katawan nito. Minsan naman masarap maupo sa malaking ugat nito habang iniisa-isang pitasin ang mga damong nagkalat dito.

Minsan nang umibig si Istik at isa na yata sa pinaka-hindi malilimutang pangyayari ay noong minsang isinulat niya ang pangalan nila dito. Tanda ng ukit na walang hanggang pagmamahal ni Istik sa kanya.

Kaso naiwang mag isa si Istik sa lilim ng punong iyon, umiiyak at nanatiling nakatayo habang naghihintay sa wala. Umaasa pa din na sa ilang saglit ay baka balikan pa s’ya.

Halos araw-araw ding inubliga ni Istik ang sarili na tumambay doon hanggang isang araw nagulat na lang siya na wala na siyang nadatnan na puno.

Mangiyak-ngiyak si Istik noon.

At doon niya napagtantong kailangan na niyang mag move on. Ang pag-asa hindi lang maganda lagi ang dulot minsan ang pag-asang iyon ay nagbibigay din ng hapdi sa nararamdaman mo. Mahirap umasa nang wala ng inaasahan.

Malungkot si Istik ngayon at umaasang dadating ang araw na muling tutubo ang sanga sa puso nito na magbibigay ng matatamis na ngiti.

Love ko ‘to?

Posted in Pag-ibig ni Istik with tags , on Nobyembre 11, 2009 by batangistik

di na ko love.tif

Dati nagbabasa lang ako ng blog, ngayon magbablog na din ako.

Salamat sa taong nag-udyok sa akin para makapagsulat ako dito.

Sabi niya kasi sa akin, magandang labasan daw ito ng problema, hinaing o saloobin. Tamang tama naman ito ngayon dahil nakadarama ako ng ordinaryo subalit napakahirap tanggalin -ang nabigong pag-ibig.

Tandang-tanda ko pa ang pinakamalungkot naming sandali sa loob ng Mcdonalds. Noong una masaya pa kami nagkukuwentuhan pero sa bawat salita na kanyang binibitawan, tila alam ko na ang ibig parating nito.

Tama ang iniisip ko, nakipag hiwalay nga siya sa akin noong oras na iyon at sa lugar na iyon. Siyempre mahirap tanggapin.

Hanggang ngayon  nga ay hindi ko pa rin matanggap na wala na s’ya sa akin.

Hindi ko na matandaan kung kailan iyon pero tandang-tanda ko pa ang mga huling sandali namin.

Paglabas namin ng Mcdonalds napakalayo na agad ng tingin ko, ni-ayaw ko na siyang tingnan at ni-ayaw ko ding yumuko dahil sa konting sandali baka tumulo ang nagbabadya kong emosyon.

Noong magpapaalam na kami sa isa’t isa tinapik ko pa s’ya sabi ko “sige ingat ka” papunta sya sa kanan at ako naman sa kaliwa. Mabilis ang bawat pangyayari at sa aktong pagtalikod namin sa isa’t isa hindi ko na nagawang lumingon pabalik.

Nakangiti akong naglalakad at sa bawat ngiting iyon unti-unti na itong bumabaliktad kasabay ng mga agos ng panghihinayang sa mga masasayang araw na sinasariwa.

Siguro mahal ko lang talaga siya kaya magpahanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.

Siguro ito na ang pagkakataon para makapag move on at libangin ang sarili sa nakakatuwang libangan -ang blogging.