SAYO NA LANG SANA

Wow mga kaistikan! 6 months na pala ang huling post ko dito, at 6 months na ring walang gustong umampon sakin.

Yep! yep! yep! pinamimigay ko na po itong site na ‘to ang kaso walang gustong tumanggap.

Hindi ko alam kung dahil sa luklukan ba ito ng panget at walang kakuwenta-kwenta? o dahil nanghihinyang lang sila na mabago ang istilo ng mga nailalahad dito ni Istik.

Mas nakakahinayang naman dito kung hindi na ito mapakinabangan di ba?

Mula noong matapos ang pasko at pumasok ang taon, pinilit na ni Istik na maging masaya.

Hmm.. masaya naman sya ngayon, medyo natatakot lang sa mga panahong hindi nya naiintindihan ang ilang tanong at pagkakataon.

Andito ka nga, nandirito sya, nandito tayo.. pero marahirap tantyahin ang mga sitwasyon hindi mo maisplika kung ano ba ang tunay na isinasabuhay nito.

Nakakatakot bang masanay sa ilang bagay na alam mong magiging masaya ka?

Nakakatakot din ba ang mga sandaling pumasok ka sa isang kahon at alam mong hindi ka na makalalabas dito?

Katulad din ba ito sa pagkakataong baka mawala ang bagay na pinagkakaingat-ingatan mo?

O sadyang natatakot ka lang maulit ang mga bagay na kinakatakutan mo?

Mahirap maramdaman ang mga bagay na ibinibigay o ipinagkakaloob subalit may pagkakataong hindi mo maturan kung anong ningning meron dito katulad sa isang dyamanteng may kislap.

Nakakapraning ang mga simpleng mensahe na kakaunti subalit may laman… (e praning nga e!)

Baliw baliwan na ngang maituturing ang mga bagay na paulit-ulit na naglalabas-masok sa aking isipan.

Ang nais ko lang naman, alagaan nawa itong bahagi ng katawang lumilikha ng tunog na sumasambit ng iyong pangalan.

 

 

 

Advertisements

4 Tugon to “SAYO NA LANG SANA”

  1. awww sana ipagpatuloy mo pa ang pagbablog mo… :[[[[

  2. 0o nga po sana pagpatuloy mo ang pagsusulat…. =(

  3. …ibigay mo lamang yan sa taong karapat-dapat istik…

  4. oi istik… tama sila. Wag mo ipamigay ang blog pero ang puso mo sa karapat-dapat. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: