Imbak para sa Ang batang istik

KEYK

Posted in 'Di Malilimutan, Kuwentong Kaibigan with tags , , , , , , on Nobyembre 22, 2011 by batangistik

Black Forest Cake

First time ko magpost ng ganito, sa totoo lang naiinggit lang ako sa isang kaibigan na laging nakaka update ng blog kaya susubukan ko muna mag photoblog (wag nyo ko susumbong ha). Ayaw ko namang gawin to sa major blog ko kasi hindi bagay.

Kaka bortdey lang ni Istik nitong nakaraan. Kaya maswerteng may nakapagbigay sakin ng keyk. Salamat.

Nagbalik tanaw lang ako nung kabataan ko, never pa kasi ako napaghanda ng pamilya ko. Naaalala ko lang nung minsang nag bortdey ako tapos wala kaming panghanda (ay mali) wala pala kaming pang ulam. Ginawa ng Tatay Istik ko kinatay nya yung manok na lagi kong hinahawakan sa umaga.. ayun mangiyak ngiyak ako kasi yun daw yung handa ko.

Kailangan talagang pumatay para may panghanda? haha

Isa yun sa pinaka sad na bortdey ni Istik.

ALAMAT NG SARANGGOLA: ANG BATANG ISTIK

Posted in Lahok ni Istik with tags , , , , , on Oktubre 15, 2010 by batangistik

DOWNLOAD WORD FILE: CLICK HERE

Sa dulong bahagi ng Pilipinas may isang bayan kung saan bibihira lang ang pamilyang nagugutom. Bukod kasi sa masisipag ang mga magulang ng mga batang masisiglang naglalaro, samu’t sari din kasi ang mga tumutubong pagkain dito, na s’ya ring pangunahing ikinabubuhay ng mga tao.

Si Pepe (may katabaan), kilala sa pangunguna sa nag-iisang paaralan sa kanilang baryo. Si Jose (matangkad ng kaunti kay Pepe), kilala naman sa pagiging lider ng mga bata. At si Istik isang patpating bata. Hindi sya normal sa paningin ng iba dahil meron syang kapansanan mula sa pagkakaroon nya noon ng Polio.

Magpatuloy sa pagbasa

Larawang Kupas

Posted in Pag-ibig ni Istik with tags , , on Pebrero 25, 2010 by batangistik

Sino ba nakaimbento ng Camera? gusto ko syang pasalamatan dahil kung hindi sa kanya wala ding larawan.

Bakit nga ba tinuklas ang pag buo ng imahe sa papel? Hindi ba’t para manatili at maitala ang mga bakas ng nakaraan? kasama na yung pinakamasasaya at minsay malulungkot na parte ng buhay.

Sobra ko nang namimiss ang mahal ko, kaya madalas kong tinititigan ang kanyang larawan. Minsan pa nga natutuluan ito ng luha ko at nagpapaka fairytale na mabubuhay at babalik muli ang natatangi kong mahal.

Matagal tagal na rin buhat noong kamiy magkahiwalay at ngayoy pilit na binabakas ang kanyang mukha sa aking alala kung mayroon bang pinagkaiba.

Ganoon pa rin kaya ang kanyang magagandang labi?, ang kanyang mga pisngi, ang mga mata at ilong? sobrang nakakamiss.

Sana mabigyan muli ako ng pagkakataong masilayaan ang napaka amo nyang mukha.

Kaso suntok pa rin sa buwan, mahirap makita ang taong ayaw ng magpakita 😦

….nakakalungkot