Archive for the Idolo ni Istik Category

SUPER KARITON!

Posted in Idolo ni Istik with tags , , , on Nobyembre 23, 2009 by batangistik

Lahat naman tayo dumaan sa pagkabata at lahat tayo nangarap na minsan ay maging super hero.

Noong bata pa tayo nakakakita lang tayo ng super hero sa komiko at telebisyon. At ang pagiging super hero ay nakikilala bilang tagapagligtas ng mga naaapi.

Nagiging malakas ang isang super hero sakaling lumunok ng bato tulad ni Darna at minsan naman, kung hindi kumakaunti ang kasuotan ay nababawasan naman ito hanggang bra’t panty na lang ang matira, yung iba naman bumabaliktad ang suot at nauunang suotin ang paglabas bago ang panloob, sabay magkakaroon din ng kapa. At ang mas nakakatuwa pinapakita pang nahuhubaran muna ang bida bago magpalit ng costume tulad nila Sailor Venus at Sailor Moon.

Yung iba naman nagiging aping bida muna (payatot at gusgusin) bago nagiging guwapings na super hero tulad nila Capten Barbell.

Yung iba naman grupo na may iba’t ibang kulay tulad ng BioMan, Maskman at Power Rangers na pawang nagiging hegante ang kalaban sakaling hindi na makaya ang lima laban sa nagiisang halimaw at sa huli nag magsasanib puwersa din sila para makabuo ng isang higanteng bida.

Patayan ang labanan para matapos ang paghahasik ng kadaliman.

Noong pumasok naman tayo eskwelahan nagkaroon tayo ng mga panibagong super hero totoo silang tao at sila ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang minamahal na Bayan tulad nila Gat. Jose Rizal, Bonifacio at iba pa.

Noong tumagal-tagal nagkaroon naman tayo ng mga makabagong bayani tulad ng mga OFWs, mga GURO, mga PULIS at SUNDALO pati na rin ang mga taong handang magbuwis ng buhay para sa Kapwa.

Akala ko noon kinakailangan mo munang mamatay para tawagin kang Bayani at hindi mo makukuha ang isang parangal na puweng igawad sa’yo hanggang nabubuhay ka pa.

May hindi pa ba nakakaalam?

Oo, Si Efren Pe├▒aflorida ang bagong tinanghal ng CNN bilang HERO OF THE YEAR ngayong 2009. Nagkamit s’ya ng mahigit isang Milyong Piso kapalit ng kanyang mapagkawang pagtulong sa mga batang lansangan o sa mga batang walang kakayahang mag-aral sa eskwelahan dulot ng salot na kahirapan sa Pilipinas sa pamamagitan ng Kariton. Na ayon sa kanya at sa balita nobenta porsyento nito ay hindi para sa kanya kundi para sa binoo niyang guro at ang natitirang sampung pursyento ay hindi pa rin sa kanya kundi sa simbahan.

Ang sarap na naman maging Pilipino! dahil muli na naman tayong inangat ng kapwa pilipino sa buong mundo. Isang karangal na sa kabila ng mabahong sistema ng pulitika sa bansa ay may mga kumikilos pa din para punan kahit papaano ang kakulangan ng gobyerno na dapat tayo ang iniisip at hindi ang mga pansariling interes lamang.

Sabi nga ni Efren (sa sarili kong interpretasyon) ang mundo natin ay napapagiligiran ng napakaraming bayani, lahat tayo ay may natatagong pagpapakabayani sa loob na’tin ang tanging gagawin lang natin ay hanapin ito at ibahagi din sa iba na nangangailangan…

Tulad din ng mga super hero noong kabatan natin at ganoon din sa mga pinag-aaralan na’tin sa eskuwela, lahat ng bayani ay naging bayani dahil handa silang magsilbi at tumulong ng walang hinihintay na kapalit.

Ngayonm, sa tulong ni Efren higit pa s’ya sa mga bayaning nabawian na ng buhay. Isa siyang nabubuhay na bayani at inspirasyon para sa lahat.