Sinong namimiss mo doon?

Lahat tayo ay may maituturing na bestfriend, kahit nga aso puwede nating ituring ng ganito. Pero paano kung ang tinuturing nating pinakamatalik na kaibigan ay matagal ng nawalay sayo?

Syempre meron din ako nito napakarami nga nila. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ni-isa sa kanila ay wala akong makita sa personal ngayon.

Meron akong kaibigan noong nasa elementarya ako bestfriend ko sya mula grade one hanggang grade 6. Kahit minsan may taong hindi kami magkaklase bestfriend pa rin kami. Kaso noong naghighschool na ko kinakailangan kong lumipat ng tirahan kaya ayun nalungkot kami pareho. Wala na kaming komunikasyon kahit fb wala sya. Siguro may asawa na yun.

Meron naman akong bestfriend nung college kaso matapos magkaroon ng problema sa pinansyal na aspeto napilitang tumigil na lang at magpakalayo-layo. Bestfriend ko pa rin naman sya kaso yun nga di na kami nagkikita.

Meron din akong naging bestfriend mahigit taon na ang nakakaraan kaso nagkaproblema din kung bakit hindi na kami nagkikita ngayon. Nagka inlaban kasi kami, kaya iyon.. nagmahalan, nag-away, pinag-away, pinaglayo, nasaktan, umiyak at kung anu ano pa. Nauwi sa tinawatag na more than friends. Parang bestfriend turns to enemy. Best friend ko pa rin naman siyang itinuturing, kaso nandoon talaga yung pilat kaya hanggang sa ngayon hindi ko alam kung bestfriend pa rin ang turing nya sakin.

Nakakahinayang talaga yung pagkakataong iyon ang dami na naming napundar na masasayang araw nasira lang kasi sinamantalaga namin yung pagiging mag bestfriend namin.

Ang dami kong bestfriends no? di ba dapat isa lang kasi nga “best” sa tagalog “pinaka”?

yaan mo na yun, ang importante pinapahalagahan mo sila at tinuturing na kaibigan.

Sana isang araw magkikita-kita muli kami. kahit isa lang sa kanilang tatlo. Gusto kong makipagkuwentuhan at sariwain yung masasayang araw namin.

Gusto kong ipagpatuloy yung mga nasimulan at mga araw na puwedeng tanungin, humingi ng damay at mangutang. πŸ˜€

Sa ngayon sa panaginip ko na lang sila nakakausap at nakakamayan at nasasabihan ng “kamusta!?”.

Tulad kanina paggising ko siya yung unang naalala ko hindi ko lang alam kung siya ang napanaginipan ko.

Pero sakaling magkita kami muli ano kaya ang unang gagawin ko.?

Ikaw kunwari ikaw si Istik paano mo iaaproach yung dating bestfriend mo?

Advertisements

16 Tugon to “Sinong namimiss mo doon?”

  1. ssapakin ko siya..hahaha at susundan ko ng para yan sa mga panahong hindi ka nagpaparamdam at di nagppakita. hehhe..tpos ..I MISS YOU TOL ang kasunod. Tagay na tayo…hahahha

  2. base pla ako istik!!!

  3. Istik! Na-miss na kita. 😦

    Kapag nakita ko bes ko… Ngingitian ko. Lalapitan. Yayakapin ng mahigpit… Pero hanggang imagination lang yun.

    Sa totoo lang… Hindi ko alam.

  4. IKAW NA ang bespren ko batang istik.hehe

  5. sunnystarfish Says:

    hmmm….may bestfriend din ako nung college, pero alam mo yun bigla na lang siya nawala, napagod na ko kakasuyo kakahanap kaya ngayon wala na, ganun lang natapos ang pagkakaibigan namin, sayang!

    napalangoy dito πŸ˜€

  6. tatapikin ko sya! at sasalubungin ko sya ng buong kagalakan! hehe!!
    namiss ko tuloy bestfriends ko.. hehe! parang ikaw di lang isa ang bestfriend.. hehe

  7. Ganito lang yan, Istik..
    Sabihin mo sa kanya,
    Parang kilala kita..
    Ikaw yung nagnakaw sakin..
    nagnakaw ng puso ko..
    Pakibalik naman, please?

    -Nyok. Nyok. Korni much. Nyahahahaha! πŸ˜›

    Move on. Let go πŸ™‚

  8. kukurutin ko sya tapos ihu-hug, at pag hindi nya ko pansinin, babatuhin ko sya ng tsinelas..hahahaha

    pero totoo yan ang gagawin ko pag nagkita ulit kami ng mga dating kaibigan, friends at heart ang tawag ko sa kanila kasi tumatak sila sa puso ko, madami din kasi tapos yong mga mabuting kaibigan na di mapigilang lumayo, i called them friends at road.. na-meet mo lang sa isang crossroads ng buhay mo, kung magkikita ulit bonus na yon.

  9. si bestfriend 1 & 2 madali lang. pero si bestfriend 3? hmmmm… kumplikado. pero ngingitian ko sya, baka sakali makita nya ung dating ako, ung bestfriend nya.

  10. inalala ko tuloy mga kaibigan ko, nasaan na nga kaya mga yun… nakakamiss sila may kanya-kanya ng buhay… parng ang sarap ng feeling na makita ulit sila, nakakaexcite yung makita ung magiging reaction nila… wala akong best friend pero siguro kung sakaling meron at makita ko ulit siya, ngingitian ko siya, tapos tatanungin ko kung kilala nya pa ako ahihihi.

  11. naalala ko yong mga kaibigan ko. ako kase hindi tumatawag ng bestfriend.
    pero meron akong betterfriend saka worthfriend. hehe

  12. istik din ba ang bestfriend mo? hihi!. masarap pag may bestfriend ka! at flattering pag maraming umaangkin sayo bilang bestfriend! ^^

  13. katrinadanieles Says:

    paano nga ba yan? ako meron rin akong bestfirnd nung elementary,meron rin nung hayskul, at meron ngayong college. πŸ™‚ nagkikita pa namn kami paminsan-minsan kaya masaya ang kamustahan. πŸ™‚

    kung ako ikaw, paano nga ba istik? siguro awkward pa yan o pwede ring pagkakita niyo, yakap agad tsaa kamustahan. πŸ™‚

    sana makita mo na sila noh? πŸ™‚

  14. Kahit papaano yung pinagsamahan hindi mawawala yan.
    Sabihin natin ideny pa niya yun deep inside best friend ka parin niya yun nga lang mahirap nang ipakita at ipadama..
    Siguro sapat na yung “SMILE” …

  15. maganda talaga ang takbo ng buhay kapag may bestfriend ka saka nakaka inspired din sila sa ating mga gawain at pangarap

  16. diba dapat kpg sinabing besfren, hindi yan nwawala sa buhay mo?. siguro nagkakamali lang tayo ng taong pinapangalanan natin as “besfren” .. minsan kasi kung sino pa ung anjan lagi para sayo, sya pa ung nate-take for granted, at nageexpect ka nmn ng sobra-sobra dun sa akala mong besfren mo pala.. genuine friendship is so rare nowadays. blessed are u, kpag meron kang true friend, kahit isa lng yan, napakaswerte mo. istik, kpag nakita mo sila, kamustahin mo, gawin nyo ung mga bagay na nakasanayan nyo kung pwede.. pero ask urself din kung besfren mo tlga sya? i mean, ung totoo lang. πŸ™‚

    -talambuhay? haha! may pinagdadaanan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: