Mga TAKSI-L sa Lansangan

Namiss muli ni Istik ang pagbablog, kakagaling lang kasi nito sa sakit.

Sa awa naman ng Diyos ay magaling na at kinukumpleto na lang ang paginom ng mga gamot.

Salamat na nga lang at hindi dengue ang sakit ko, dahil pag nagkataon, hindi ko alam kung saan na ako pupulutin.

Gusto ko lang ikuwento yung nangyari sakin yung gabing binabagaan ako ng lagnat.

Galing ako noon sa office, dahil masamang masama na ang pakiramdam ko maaga akong umuwi para magpahinga.

Nagkataon namang umuulan sa labas, pero umulan man o hindi plano ko na talagang mag taxi ng mga oras na yun.

Dahil rush hour na, inaasahan ko ng mahihirapan ako makasakay.

Napakaraming nagdadaan na Taxi noong mga oras na iyon, kaso lahat may sakay.

Mamaya may umistop ng taxi sakin:

Batang Istik: Sa bahay lang po namin.

Manong Driver 1: Matraffic na doon e.

Batang Istik: Okay.

Nahihilo na ako noong mga oras na ‘yun, nilalamig na din dahil lumalakas na ang  ambon.

Maya-maya pa may umistop na uling Taxi.

Sabi ko pag may umistop sasakay ako agad, hindi na ako magtatanong.

Kaso noong pasakay na ako tinanong muna ako.

Manong Driver 2: Saan ka Batang Istik?

Batang Istik: Sa bahay po namin.

Napailing na lang si manong at hindi pa man naisasara ang pinto ng Taxi umandar na ito, buti na lang hindi ako nakaladkad.

Matagal ang hinintay ko bago may dumating uli na taxi na bakante, muling umistop sa kinakatayuan ko.

Manong Driver 3: Istik, saan kayo?

Batang Istik: Sa bahay lang po namin.

Manong Driver: Dagdagan mo na lang ng P30?

Batang Istik: Huh?

Sa pag-isip isip ko bakit ako magdadagdag ng P30? Pare-pareho lang naman tayong nagtatrabaho bakit kailangan manlamang ng ibang tao.

Isa pa alam kaya ng mga gung-gong na taxi na drivers na ito kung bakit nagagwang sumakay ng taxi ng mga tao, ganung may kamahalaan ito? -kasi nga KAILANGAN! Hindi naman tayo magtataxi di ba kung hindi naman talaga kailangan?

Sana maisip yun ng ibang driver.

Tulad ko ng mga oras na iyon, kailangan na kailangan ko kasi may sakit ako!

Sa sobrang inis ko, pinilit ko na lang maglakad-lakad ng may kalayuan at doon sumakay na lang ako ng Jeep.

Para sa akin, naniniwala kasi akong: kung ayaw nating masanay ang isang tao sa kanyang gawain huwag na huwag natin itong kukunsintihin.

Maliit na bagay lang ang dagdag na P30 pesos kaso nasasanay nga sila.

Ikaw naranasan mo na bang kunsintihan ang mga bakulaw na taxi drivers na yan!?

Matapos mong basahin ito, sana tigilan mo na rin ang pagdadagdag sa mga TAKSI-l sa lansangan.

Advertisements

9 Tugon to “Mga TAKSI-L sa Lansangan”

  1. isumbong mo na dali. haha

  2. sumbong mo kay mike enriquez!!!

    lahat ng taong inefficient,magulang at bakulaw at lhat ng nanlalamang sa kapwa isa islang mlaking
    SHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEETTTTTTTTTTTTTTTTTTTT NAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA MALAGGGGGGGGGGGGGKITTTTTTTTTTTTTTTTTTT//////!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. Maliit ang 30 para sa isang taong nagbabayad pero para sa taong binabayaran malaki! Isipin mo nalang paano kung 5 pasehero ang dumagdag 30, eh di may 150 extra na siya! haha malaki na yan.

    At hirit pa ako, hindi naman lahat ng tao nagta-taxi dahil sa kailangan nila na tulad mo, marami akong kakilala sa Pinas madalas gustong magtaxi kahit butas na ang bulsa, daing pa ang ulam makapag-show-off lang 😆

    First time ko dito!

  4. hay naku ang dami na t alagang hinulugang taktak na hinayupak ngaun… nasa atin na yung desisyon kung papaloko tayo o hindi… hay buhay!

  5. katrinadanieles Says:

    hindi ko perstyam dito,pero perstaym ko ata magcomment. 🙂

    marami tlagang ganyan, ewan ko ba.. minsan,hindi na nagpapametro, meron na lang nakalaan na presyo. grabe nga eh, pero hindi ko sinakyan, ang mahal eh, dukha kaya ako..eheh

    batang stik, magpagaling ka ha…:) gandang araw saýo! 🙂

  6. Care ko naman dun?, haha! hayaan mong sa kanila na lang yung spare na thirty pesos, kapag napansin nilang wala nang mga taong nagtitiwala sa mga taxi drivers, mapapansin din nilang kailangan na nilang magbago ng imahe.. hehehe… sus, pati pala taxi drivers, dina dramahan mo na ngayun?… wehehehe, joke lang.

  7. nakow! lintek na mga drayber oh… pero syempre di naman lahat.

    ganun din dito sa Kuwait. may metro ang taksi pero di ginagamit, tapos kapag nagkasundo na sa presyo at inabutan ka ng trapik sa daan may additional pa… mas mahal pa maningil mga Pilipinong drayber dito. 😦

  8. Nagdadagdag ako pero kunti lang. Let’s say P45 ang bbyaran ko saktong P50 ang ibbayad ko, di ko na kinukuha ung P5. Lalo na kung mabait ung driver. Pero pag barumbado at di swabe magdrive… asa hanggang sa huling piso kkunin ko ang sukli ko.

  9. ay naku sinabi mo pa istik. ganyan din ako napapataksi lang pag tawag na ng pangangailangan. halos mabibilang ko kailan ako nagtaxi at madalas dahil masamang-masama na ang pakiramdam ko.

    nung huli ay nung sumakit ng bongga yung tyan ko, hindi naman lbm. ginawa ko na yung madalas kong ginagawa at ininom ko na yung nireseta sa akin dati ng doktor wa epek pa rin. pusa nawala ang sakit ng tyan ko nung nagbayad na ako sa taxi driver… ang mahal!

    tama yung sinasabi ng nanay ko sa mga taxi driver na humihingi ng dagdag.
    taxi driver: padagdag na lang po manang.
    nanay ni hoshi: eh para saan yang metro mo?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: