Ang mamatay ng dahil sa.. “La Diva”

La diva

Isa na yata sa mga naituro ng mga guro natin noong nasa elementarya tayo na sa magpahanggang ngayon ay ina-apply pa sa pagka-pilipino na’tin ay ang tamang pag-awit ng pambansang himno ng bansa.

Noong nasa mababang paaralan ako, tuwang tuwa ako kapag ako ang napipiling kumanta sa stage ng “Lupang hinirang”. Minsan napili na rin ako para kumumpas habang utu-utong nakatingin ang daan-daan kong kapwa estudyante. Ganoon din sa minsang pagkakapili ko para mag ehersisyo at gayahin din nila.

May pagkakataong minsan ay pinaulit sa akin ang pagkakanta hindi dahil sa mali ang pag-awit ko, kundi dahil walang gustong sumabay sa’kin. Hindi naman natin masisi ang kapwa ko mga estudyanteng na halos may panis na laway pa para lang makahapol sa flag ceremony.

Paano ba naman, may mga nakaakibat na parusa sakaling hindi ka maka attend ng flag ceremony at ang pinaka sikat ay ang pa-flag ceremony mag isa sa class room. Pero depende din naman sa guro minsan kapag sunud-sunod ang mga late, titser na rin ang magsasawa kakapakinig ng lupang hinirang kaya papalabasin n’ya ang mga estudyanteng late at pila-pilang ibibilad sa araw. (tapos magrereklamo yung titser na amoy luga ang mga estudyante n’ya).

Kung iisipin nga naman, napaka haba na ng panahon mula noong nilimbag at bigyan ng kumpas ang ating pambasa awit. At kung tutuusin ilang estudyante na rin ang nagbuwis ng kahihiyan para sa himnong ito. Tapos sa pag-usad ng panahon mag-iiba-iba din pala ang anyo sa pagkakaawit nito.

Siyempre pa, saan ba kinakanta ang dakilang awit na ito? sa mga pambihirang okasyon at kahit sa simpleng panonood ng sine at iba pa.

Sa kasalukuyang panahon sikat na sikat ito sa tuwing makikipagpatayan si Manny Pacquiao. Tila isa itong chismis sa isang pamayanan na kahit paulit-ulit mong ipabarangay ay mananatili chismis na walang katapusan.

Ilang laban na ba ang sinugod ni Pacman? at ilang beses na rin bang tinugtog ang Lupang hinirang at ilang beses na rin bang nagkaroon ng kanina-kanilang pakulo-eklat sa kanilang pagkakakanta?

Saganang akin na lang, sana nama’y magkaroon na ng laya ang bawat isa sa kung paano kakantahin ang pambansayang awit ng Pilipinas sa aktong makatarungan.

Kung ang bansang amerika nga ay nagkakaroon ng iba’t ibang daloy ng kanta pero hindi naman nagiging malaking isyu ito sa kanila, bakit hindi na rin ganito ang mangyari sa Pilipinas. Kaysa naman paulit-ulit itong pinag-uusapan na nasa batas daw pero wala pa namang napupurasan.

Sana tulad na lang ‘yan ng simpleng pagkakaroon ng late sa flag ceremony, at least kahit papaano nagagawa na’ting huwag magpalate at kung sakaling malate pa rin may kaakibat itong parusa.

Pero hindi din no, mahirap masabihang amo’y luga ng titser.

Advertisements

61 Tugon to “Ang mamatay ng dahil sa.. “La Diva””

  1. oh pano, base ulit. hehe…

    hay… parinig nga ng Lupang Hinirang.

    handa awit… istik awit na. ๐Ÿ™‚

    iba’t ibang bersyon. ang mahalaga alam ng umaawit kung ano ang kahalagahan ng pambansang himno. kung paano niya ito inaawit ay ayon sa puso niyo.

  2. haha, hindi ko na ata kabisado yang lupang hinirang nayan, dahil sa araw araw na naririnig ko eh yung national anthem ng mga THAI.. ๐Ÿ™‚

  3. paluin ka lang sana ng istik.

    teka, di ba masamang role model tong mga pictures mo? baka lahat ng readers mo ay maging anorexic

  4. wahahaha! akalain mo yun? ganyan din sa amin eh pakakantahin ka tapos nagbebeat din… tapos susundana ng ehersisyo! oopppsss may kulang PANATANG MAKABAYAN! hakhak!

    kaya nga… okay naman na medyo iniba basta buong puso at proud na proud silang kantahin ang Pambansang Awit! Hay naku! Mas marami pang pwedeng problemahin kaysa dyan… move on!

    Hindi rin naman pinaparusahan… Meron nga akong nabasa sa batas na bawal gawing damit yaong kulay ng watawat natin pero eh ano nangyari? may jacket na kulay watawat natin.. isali mo pa dyan yung mga FMCC… asan ang parusa?

  5. haven’t you notice that this issue only comes up during a boxing match? We don’t have issues when it is played or sung at any other event because they all stick with the “march” beat of the national anthem?

    I think we just have very insecure singers during boxing matches. Because when the Americans sing their national anthem during a match, they sing it as it is with all the “kulots” “birits” and whathaveyous with their melodies…now if our singers would stick with the original melody, it’ll be a short song and they won’t be able to display their vocal prowess..and so we have them exercise their artistic license to reinterpret the melody of a national anthem…imagine of artistic license would be use to reinterpret the shape of the philippines on the map. and they would do it because the philippines currently look like a man on a stick…the change would make sense and beautify it..but is it the philippines?

    ang haba sorry hahaha salamat pala sa pag-daan..add kita ah

    • salamat sa add. na add na kita e. hehehehe

      grabe na nose bleed ako dun. pero tama ka siguro inggitero lang talaga tayo sa kung paano kinakanta ang himno ng US kaya gumagawa din tayo ng sariling bersyon ng lupang hinirang.

      siguro kaya di sila maparusahan kasi hindi naman sa pilipinas gawa ang krimen.

      • hehehe tsalamat sa add…

        i think di sila maparusahan kasi un mismong sumisita sa knila doesn’t think it’s even worth the effort to go after them.. ganun kaimportante ang mga national symbols natin ๐Ÿ˜›

      • tama pero may hakbang na daw ang NHI para may maparusahan. kasi as long na walang mapaparusahan tuluy-tuloy pa rin yan. sayang naman yung batas natin kung di din naman pala napapakinabangan. di ba? hehe

  6. baka nga nati-treat yung opportunity to sing the national anthem as a “break”… para maka-marka, ika nga.

    showbiz! ๐Ÿ™‚

  7. siguro rin, ipipilit talaga nung singer na isingit ang kanyang style. baka ayaw niya sa pagkaka compose ni… ni julian felipe ba o jose palma? ayan, nalito na tuloy ako. hehe

    neways, astig nung stick image! hehe

    • si jose palma yata ang naglapat ng letra tapos si julian felipe ang nagbigay ng melodiya. oha history! tama ba?

      heheheh patpating mga singers tawag dyan hehehe

      • hehehe it’s more of jose palma putting the lyrics to the melody.. Julian Felipe already made the Marcha Nacional and was playing already without any lyrics,until palma wrote them.

        super serious.. anyways bkit kasi di nila elementary or highschool student pakantahin.. siguradong tama na ang pagkakanta may pagkumpas pa ng kamay wahahaha un ang di kayang gawin ng sinumang kakanta ng us anthem harharhar

      • wow may history attached talaga. hehehe mamats

        oo nga no.. kung si Martin ang kaunaunang kumanta sa laban ni Pacman, at kung ang La Diva ang kauna-unahang kumanta ng tatluhan bakit hindi nila subukan ang isang klase naman! oha mala children’s choir ang dating nun!

      • sana sa laban ni pacman kay mayweather, ung lahat ng kumanta ng pambansang awit ni manny magsama-sama. parang grand choir na.

  8. follow rules. sundin ang batas. sagrado ang pambansang awit natin.

    walang karapatan ang kahit sino na kantahin ito sa kahit anong version

  9. haha. nakakatuwa ang la divas db? tatlo sila at nanghinge pa ng tatlong mic

    nyahahaha.

    uhm pero hnd agreed sa pagkanta ng lupang hinirang the way kung papaano ito gustuhin kantahin. kasi its our national song panget kung paglaruan ang kanta at ibat iba ang interpretation na toh. kasi nawawala ang sinisimbolo ng kanta ..ANG PAGKAKAISA o PAGIGING ISA. dun pa nmn kilala ang mga pinoy.

    • hahaha oo nga, si jonalyn napanood ko binabasa ko yung lips nya kailangan pa daw nila ng dalawang mic. hehehehe.

      oo nga tama ka. pagkakaisa at pagiging isa.

      sa susunod banda na ang kakanta sa laban ni pacman. cool. hehehe

  10. waw galing mo amgdrowing kuhang kuha si jonalyn! ๐Ÿ˜€

    nakakainis nga yung tono, halatang nagpapasikat .
    hehehe

    aw ang sama ko..

    sorry naman.

  11. di ko pa nababasa ang ibang comments.. hehe

    Ang sa akin lang, pwede tayong maging malaya na ilapat sa kung anumang himig ang Pambansang Awit natin kung naayon ito sa batas.
    hindi ko alam kung may batas na kailangang nasa tono na “martsa” ang Pambansang Awit natin.
    Respeto na lang siguro sa tradisyon.
    Just my two cents. =)

    • wow may puntos ka dun ha! malaya naman tayong mga pilipino pero dapat bang malaya din tayo sa pagkakanta?

      bakit di na lang kaya isabatas na i-record nalang ang kanta at sabayan na lang ito.

      ay. bawal na pala yun.

  12. agree… OA talaga dito sa Pinas…kung hindi mo maawit ng tama yung national anthem pwede kang kasuhan ng NCCA.

    (padaan lang ha… na-curious ako kasi ako sa profile pic mo eh…creative!)

  13. Mas kabisado ko ang pampansang awit ng Mexico kaysa natinal anthem natin.. he he he jowk

  14. wow si laboyboy ang batang gala andito sa bahay ni batang istik!!!

    tol, ung mga kumanta mga gma talents un di ba?

    di ko sila kilala, hehe.

    naghigh-pitch naman sila sa last part, akala ko na sisigaw sila pagkatapos ng “mabuhay pacman” kagaya noong ginawa nung isang world champion dati na kumanta ng ating pambansang awit.

  15. tol, nilagay na pala kita sa aking blogroll….

  16. Ako rin matagal ko nang d nakakanta ang pambansang awit! Sna minsan me kumanta ng original version. Para maiba naman…sa laban ni pacman o d kaya sya na lang kumanta!

  17. OA ang NHI, kulang sa pansin.. nakikisawsaw sa kasikatan ni pacquiao.

  18. haha naalala ko nung hayskul ako, laging grand entrance kami ng mga kaservice ko kasi lagi nasisiraan kaya ayun agaw eksena kami kapag flag ceremony… suki kami ng quadrangle tuwing lunes kamusta naman… minsan gusto namin isama ang driver para siya ang kumumpas para maiba naman… ๐Ÿ˜†

  19. siguro kung mas magiging malawak yung kaalaman natin sa kasaysayan ng pambansang awit natin at ng kung anong hirap ang dinaanan ng mga taong nasa likod nito, mas mabibigyan natin ng halaga ang bawat nota at lyrics nito.

    pagpapahalaga lang naman yun (ang tamang pagawit) sa pagbubuwis ng ating mga bayani. siguro nawawala na lang talaga yung ganoong ideya sa atin.

    napadaan lang kasama. =)

    • wow galing kabang NHI? hehehe biro lang pero tama ka. pareho yung nais sabihin ng NHI parang napaka daling bagay lang naman ang hinihingi ng batas para sundin yun pero hindi pa magawa.

      trip lang ng mga artists natin na magpataas at pabagalan ng nota.

  20. kakainis nga eh… pasikatan ng pagkanta… sana si aling dioning na lang kumanta, lolz!

  21. i remember, one time na pinakanta ako ng lupang hinirang is when i was caught by enforcer ng mmda na nagjaywalking along taft ave. cor ayala blvd, sa may bandang PNU, hindi ko makanta ng maayos, hindi dahil sa hindi ko alam, kundi first time kong maexperience yun…kung ang la diva bumirit sa bandang dulo, ako that time umiyak na lang, huhuhuhu. TARANTADONG MMDA enforcer yun, dahil walang makotong na panglunch sakin, pinakanta na lang ako ng national anthem.

    • wow congrats kung ako nun bibirit ako edi sana lalong nagtraffic Hahahahahaha!! malas naman nun. Techer ka na siguro ngayon?

      hindi nga naiyak ka talaga? isa lang ibig sabihin nun, nasa puso ang pagkanta mo. hehehe

  22. we need three mics! hahahahhahaa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: