INDI NA NAMAN SI ISTIK

Sa loob ng kulang-kulang dalawang buwan, naging senaryo na ni Batang Istik ang gumugol ng dalawa hanggang tatlong oras na biyahe (papunta o pabalik palang yun) sa cavite. Bukod sa aksaya na sa oras, tila nagtatapon din si Istik ng humigit kumulang P 170 sa pamasahe na dapat ay ginagasta na lang sa pagpapataba ng buto nito.

Kaya naman upang matigil na ang kabuangang ito.. mananatili na lang ako muli sa Maynila, pero hindi sa una ko nang tinuluyan kundi sa bago ko nang tahanan.

Sa lugar kung saan lipana ang mga estudyanteng naglalakad dahil tabi-tabi doon na eskuwelahan, doon na rin ako nakahanap ng murang matitirahan. Sa halagang P 1650 kasama na ang kuryente’t tubig, hindi na maglalagkit ang buo kong katawan dahil sa biyahe. Maaga na rin akong makakatulog at makakapagpahinga.

Pero dahil hindi ko naman sariling tirahan yun.. hindi ko na magagawa yung ginagawa ko sa sarili kong kuwarto o bahay.

Sabi nga ng Mahal kong Inang Istik, para daw akong “ahas” kung saan daw kasi ako nagbihis doon ko din iiwan yung pinaghubaran kong damit.

Hindi ko na rin magagawa ang apatnapu hanggang isang oras na paliligo dahil hindi lang ako ang gagamit ng palikuran nito.

Hindi na rin ako makakapag-ingay dahil ugali kong kumanta ng malakas tulad ng “this is the moment” at “i dont wanna miss a thing” hoho.

Mahihiya na rin ang humilik. Mahihiya na rin akong gamitin ng dalawang beses ang medyas ko dahil baka mangamoy sa buong kuwarto nakakahiya sa boardmate ko.

Mahihiya na rin akong matulog ng nakahubad, dahil hindi naman kagandahan ang katawan ko kahit na pare-pareho naman kaming lalake sa kuwarto.

Haaaaaaaaaaaay parang ang dami ko nang hindi magagawa!.

Pero ang tiyak lang na magagawa ko… ay sa oras na nasa labas na ako boarding house.

Malaya na akong umuwi at umalis kung gugustuhin ko na wala nang mag-aalala kung nasagasaan na ba ako ng truck, naholdap o nabarang ako sa daan kung bakit hindi pa ako nakakauwi sa des oras ng gabi.

Wala nang magulang na magmimistulang talakitok at talakitak na magtatalak sayo.

At sa huli, malaya ko na naman akong tumayo sa sarili kong mga paa. magutom sa sarili kong mga dahilan. Mangutang hindi sa magulang kundi sa mga kilala at kaibigan.

Malaya na rin akong matutuhan ang mga aral ng mapag-isa na hindi umaasa sa iba.

Sana nga.

Nang malaman ko ang tunay na kahulugan ng sabi ng Ina kong Istik

“Kailan kayo matututo kapag nawala ako sa inyo?”

Advertisements

13 Tugon to “INDI NA NAMAN SI ISTIK”

  1. siguradong marami kang matututunan sa pagsasarili mo. goodluck! for sure youll be able to discover a lot of things about yourself..magagamit mo un mga bagay na yun para mas maging kapaki-pakinabang ka.. use your freedom wisely!

    πŸ˜€ napadaan lang..

  2. Napagdaanan ko yan. I agree with Yanah, use your freedom wisely, wala dapat masasaktan o matatapakang tao. Good luck to you and your new found freedom!

  3. taga cavite ka pala istik.

  4. kailangang minsan matuto tayu sa pansarili nating mga desisyon o kahit anu pa. Good Luck!

    Maligayang Pasko! πŸ™‚

  5. kaya mo yan.. ako rin naranasan ko na mamuhay mag-isa.. ansaya nga eh.. dami mo mare-realize..

  6. hmn.. i really know the feeling istik… hahaha!!! tatlong oras din ako bumibiyahe araw araw.. kaya this january… mag-i -indi din ako… mula manila.. to cainta.. or somewhere sa pasig…

    hohoho… merry christmas… and happy… new life… this new year…

    with freedom, comes more responsibility…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: