Makuha ka sa tingin

Kailan lang nagpunta ako sa MOA, may kinatagpuan ako doon, itago na lang natin sa pangalang POPEYE (hindi nya daw kasi type ka EB nya haha). Wala namang salamin si Popeye the sailor man pero  may salamin yung tinutukoy ko (wala lang para konektado sa tao).

Dahil nga may salamin sa mata si Popeye nagbiro akong sinukat ito at nagulat ako sa pagkakaiba ng meron sa wala. Ang laki ng deperensya! parang sinukat sa akin ang salamin kaya naging malinaw ang paningin ko.

Doon ko nalaman na nanglalabo na pala ang mata ni Istik.

Nagbalik tanaw tuloy ako kung paano nangyaring hindi na pala normal ang paningin ko.

Madalas akong pinapagalitan ni Mama kapag naghihilamos ako bago matulog at pagkagaling sa trabaho. Pero hindi naman ako naniniwala kaya hindi maaring iyon ang dahilan. Madalas din ako magbabad sa computer siguro iyon din ang isa sa mga dahilan.

Hanggang kotongan ko na lang sarili ko para mapagtanto ko na dahil iyon sa kaartehan ko!

Nagkocontact lens kasi ako.

Minsan nga nakatulugan ko ito, at maswerte namang nakadilat pa ako.

Minsan din, umaabot ito ng 14 hours sa mata ko mula umaga hanggang gabi, babatiin lang ako ng makakakita sakin at sasabihing “ang pula ng mata mo istik” sasagot na lang ako “brown kaya contact ko” doon ko lang sya tatanggalin

Hindi ko naman alintala na malabo na pala ang mata ko pag may contact lens ako, parang normal lang kasi kaya late ko na nalaman. Nalaman ko lang talaga noong nakalimutan ko itong isulot at isukat nga ang salamin sa mata ni Popeye.

Bakit ba nag contact lens si Batang Istik?

Simple lang naman e, sabi kasi ng mama ko noong bata pa ako,  ako na daw ang pinaka cute na istik sa buong mundo may maganda daw kasi akong ilong, labi at mga mata.

Ngayong tumatanda na ang batang istik maganda pa rin naman ang ilong, labi at mata ko.. kaso noong pinagsama-sama na parang hindi na, hindi na kasi sila compatible sa isa’t isa. Ang sagwa men!

Pero sa lahat daw ng pisikal na kagandahan sakin.. ito na daw e… yung mata ko, chinito kasi ako, (kaya sabi ko pagandahin natin lalo, ayun nagkontak ako.) Hindi ko na nga mabilang kung ilan na nagtanong sakin kung may lahi daw ako.. minsan sinasabi ko na lang meron. Half Bicolano, Half kapangpangan.. korni no? hahaha… Sayang nga e, kung nagkaroon lang sana ng pagkakataon na pumili ng tao sa magiging nationality nya interms of physical or looks siguro korean na yung pinili ko.. pero depende sa pagiging koreano ha.. yung magandang lalake syempre hindi yung mukhang bogaloids ha, parang K-Pop lang hahaha… bingeul!♫ bingeul!♫ bingeul!♫ bingeul!♫

Sa ngayon, nananalangin na lang si Istik na sana bumalik na sa dati ang mata nito.

Iniwasan ko ng mag contact lens pero ang hapdi-hapdi talaga lalo na kapag nahahanginan.. sa mga susunod na araw baka magsalamin muna ako.

Hindi ba masagwa kapag nagkasalamin si Istik? Teka wala pala akong tenga! Toinks!

***

P.S. Namiss kayo ni Istik

Advertisements

15 Tugon to “Makuha ka sa tingin”

  1. nmiz k dn nmin istik!! at yeheyy hnd n xa emo! ahhhahha!!

    tama mag contact lens k nlng pra hnd kailanganin ng tenga! ehehe!

  2. Namiss din kita Istik. Sana maging maayos na ang chinitong mata mo. =)

  3. sign talaga ng pagtanda ang paglabo ng mata. pwedi ding sign yan ng katalinuhan at kasipagan sa pagaaral. pwedi ding mamboboso o kaya naman ay namamana. nyakz parang interpreter lang ng panaginip. lol

  4. nabuhay ka istik ang tagl ko inabangan ang pagbabalik mo. hehe. kaya dhil jan penge pic greetings 1 yr n blog ko ^_^

  5. yan ang napapala. i think kong nasa early stage ka pa naman mako-correct pa yan. sa akin kasi astigmatism before. na-correct naman ay siya at hindi na ako nagsasalamin. may pagkabingi na lang hehehe

    hindi ko raw masundan ang pagiging k-pop mo. puwede pa sa korean drama na lang. mas marami akong kilala roon. hehehe

  6. at namiss ka namin… ur back! magsalamin na para maging malinaw ang lahat. 😀

  7. wow kulay brown mata oh. tapos mapungay pa. try mo dumilat. lol

  8. katrinadanieles Says:

    nag-try akong mag-contacts pero hindi ko kaya eh. 🙂 nwei, sana mapa-check mo na yung mata mo,para malaman mo kung ano talaga ang problema. 🙂 malabo na rin mata ko pero hindi ko gusto magsalamin kasi pasaway ako.hahah. kaya, wag ng makulit istik,magsalamin ka na. 🙂 hahah

    gandang araw sayo! 🙂

  9. gwapings parin si Istik kahit walang contact lens…

  10. haaaaaaaaayyyyy…. istik parehas tyo… parehas maganda mata ntin… parehas ding malabo… 450/450… hahahahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: