Ang Hirap..

Akala ko muli ng magiging masaya ang puso ko pagkatapos na malaking pagkakasugat nito.

Akala ko tuluyan ng maghihilom ito buhat ng makilala ko ang taong tinutukoy ko. Pero parang madadagdagan pa.

Huli na nang malaman kong ang napupusuan ko pala ay commited na sa iba.

Mas lalo na nang nakita ko yung kabiyak niya sobrang opposite ko.

Ano naman kaya ang panama ni Istik sa taong iyon? Wala.

Ayokong manira ng relasyon. Ayokong maging dahilan ng pagkakawalay nila. Kung sakin mangyari yun ganun din ang mararamdaman ko.

Walang ibang dapat gawin kundi lumayo at itanim sa isip na hindi puwedeng ipilit ang mali.

Kaya muli na namang nalulungkot si Istik.

Advertisements

22 Tugon to “Ang Hirap..”

  1. hay… ganun talaga siguro pare… ginawa talaga siguro siya ni God para maging kaibigan lang natin… na hanggang dun lang talaga…

    naniniwala ako na may nakatakda para sa atin… darating din siya, o di kaya dumating na siya, kailangan na lang natin siyang mapansin…

  2. mmm…Blogger ka… xa hindi..=]

    Funny Text Messages
    by
    Llama

  3. tahan na… ganun talaga ang buhay, minsan daranas muna ng lungkot para ang kasunod sobrang kasayahan namn… darating din ang para sayo. pero tama din naman si john, baka nga andiyan na pero di mo lang napapansin. tulad ko noon. pero pag napansin mo naman, baka ang kasunod na e wala na talagang iwanan. e di masaya na 🙂

    isipin mo na lang na lahat naman tayo nagdadaan/nagdaan din diyan. 🙂

  4. kung xa ang dhilan ng pagkahilom ng unang sugat,, doble ang mgiging skit s oras na masugatan muli eto dahl sa knya! (nguluhan kb?hehe)

    cheer up! chino koh(kuno)! hhahha

  5. Istik… Masarap magmahal kahit na may mahal na siyang iba pero mas dapat mong matutunan kung paano ibaling sa iba ang pagmamahal na iyan. Mas ikaliligaya ng puso mo kapag nanahan ka na sa taong ikaw ang minamahal. Ngiti naman diyan bata. 😀

  6. korek kajan stik!, kung ganun man, wag munang ipagsiksikan sarili mu, kasi mag mumukha ka lang tanga!

    ako kasi once na nalaman kong ung taong gustu ko e ayaw sakin, hindi ko na ipagsisiksikan self ko sa kanya, marami naman jang iba noh?!! kaya sa iba mu nalang ibaling atensyon mu!

    🙂

  7. wag ka nang malungkot…sabi nga sa ad-campaign ni NINOY…di ka nag-iisa…tama silang lahat na nagkoment, wak mo nang ipagsiksikan ang iyong sarili kung ikaw ay mataba dahil sigurado hindi ka kakasya…este ipagsiksikan ang sarili sa di ka mahal pala…yun lang.,,ingat

  8. Mr. Nonsense Says:

    sorry na nga….alam mo namang may asawa at anak na ako eh…

  9. darating din siguro sa tamang panahn yung taong itinakda para sau 😀 😉

  10. hintayin mo lang sya,..

    kung hindi talaga maaari, hindi talaga maaari.kailangan nating tumanggap sa mga pangayayari ganu man ito kasakit..

    emo ba>:)

  11. Istik et al,

    Gandang gabi sa inyo!

    Lam nyo naalala ko tuloy ung napanuod ko sa TV ABC 5 (Shake mo TV mo! =)) sa Fishbowl… speaker nila dun si kuya obet.. ang sabi nya.. for him…

    Love is letting go.. letting glow… letting grow (parang gulay lang ah..)

    mahirap tlagang magmahal lalo na kapag complicated ang situation pero again… kung ano ang tama.. kung ano ang nararapat para sa minamahal mo, for me u already gave ur love… sacrificial love ika nga..

    at the end the day, kahit masakit… masaklap at kaiyak-iyak ang nangyari (panyo gusto mo?), there will still be blessings out of failures.. malay mo.. andyan lang pala sa tabi-tabi ung para sau, masyadong malayo ang tingin mo.. (at para naman madagdagan pa ang emotions mo, ipasok ang kanta: kung ako nlang sana ni ms. bituin escalante)

    Heto ka na naman
    Kumakatok saking pintuan
    Muli naghahanap ng makakausap
    At heto naman ako
    Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
    Nagtitiis kahit nasasaktan …

    Ewan ko bakit ba hindi ka pa nadadala
    Hindi ba’t kailan lang nang ika’y iwanan nya
    At ewan ko nga sa ‘yo
    Parang balewala ang puso ko
    Ano nga bang meron siya
    Na sa akin ay di mo makita …

    Refrain:
    Kung ako na lang sana ang iyong minahal
    Di ka na muling mag-iisa
    Kung ako na lang sana ang iyong minahal
    Di ka na muling luluha pa
    Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
    Narito ang puso ko
    Naghihintay lamang sa iyo, oh-oh-oh …

    Heto pa rin ako
    Umaasang ang puso mo
    Baka sakali pang ito’y magbago
    Narito lang ako
    Kasama mo buong buhay mo
    Ang kulang na lang
    Mahalin mo rin akong lubusan …
    (Repeat refrain)

    Kung ako na lang sana, oh-oh-oh..
    (Repeat refrain)

    Kung ako na lang sana …

    —–
    anyway, yan po muna… share ko lang din sa inyo… baka inihahanda ka ni GOD sa taong karapat-dapat sau.. maaari rin namang di pa handa ang para sau.. kapag nagkataon, ibibigay sau ni GOD ang gift Nya sa panahong akma lamang… wala lang.. share ko lang po..

    muli, gandang gabi sa inyo!! =)

    To GOD be the glory till eternity!

  12. hayzzz buhay BH…kakainis

  13. cyberhug kuya istik!
    ganyan talaga ang buhay…
    hanap ka na lang ng iba…
    nagkamali ata ng pinana si kupido…

  14. wag ka nang malungkot istik! isipin mo na lang meron talagang para sayo at siguro hindi sya un..

    pa change nga pala ng link… dumadatkom na kase eh.. hehe.. salamat!

    carry on istik!..

  15. huhuhu, padaan lang!!!! wwaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh

  16. wala ka pa ring bago…talagang pangValentine’s na itong post na ito?

    sana ok ka na, malungkot pag may istik na nalulungkot. 😉

    pa-update din ng links ha… http://keekaye.com na po. salamat!

  17. naku.. istik…,

    mas emo ka pa sa maskara ko…,

    pakiramdam ko tuloy ang jolly jolly person ng ikatlong maskara dahil sa post mo…,

    ngiteh…,

    may mas karapat dapat pa… para sa pagmamahal mo…,

    …,

  18. first time ko sa blog mo…,

    padag dag sa link please!…

    thanks!…,

    daan ka din sa bahay ng maskara minsan…

  19. oo mahirap talaga peru sige, kaya muyan! update na! hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: