Tutubee fastfood

Si Istik ay tipo ng batang kakain lang pag nakadarama na ng gutom. Kaya naman pagkalabas palang ng Opisina, nagbabadali itong naghanap ng makakain. Sakto namang may malapit na Tutubee na fastfood kaya pumila agad ito para makabili.

Sa kadahilanang gusto nitong umuwi agad para mapanood ang inaabangan  love story nila Melason sa PBB Double Up ay naisipang i-take out na lang ito at sa bus na lang kainin.

Omurder si Istik ng meal na Burger, Fries at Coke zero sa halagang P50 pesos na dating 52 pesos.

Agad naman itong binigyan, subalit sa hindi inaasahang pagkakataon naubusan pala ng fries kaya wait lang daw si Istik ng 2 minutes.

Aba aba aba.. tinamaang ng magaling. kaya nga nagtake out para mapabilis ang buhay nito.

Dahil na order na ni Istik ang fries na hindi man tinatanong kung willing itong maghintay, aba’y pi-nanch na agad.

upu muna daw si Istik, pero saan naman n’ya gustong paupuin ito. punuan ang fastfood dahil nililinis na nila ang kalahati ng nasabing slowfood, kainan  pala.

Wala itong nagawa kundi tumayo at maghintay na lang habang niluluto kuno ang french fries..

Dumating ang 2 minutes at nagtanong na si Istik sa kaherang inorderan kanina

“Miss gaano pa ako katagal maghihintay”

“Ay wait lang sir.. sabay punta sa lutuan ng fries

Pagtingin n’ya wala palang nakasalang. at doon magsasalang palang sila.

inip na inip naghintay si Istik. Sakto namang dumaan ang manager at mukhang nakahalatang may hinihintay si Istik.

“Sir may order na po ba kayo?”

“Oo! kanina pa. sana kasi bago kuhain ang order ng customer n’yo tanongin n’yo muna kung willing silang maghintay.”

“Sorry sir upo muna kayo?

“San mo ako gusto paupuin?!”

Nagtataas ang boses ni Istik at halata dahil maraming naglingunang tao.

“Sir pasensya na talaga.”

“Pasensya, pasensya, kaya nga nagtake out ako para makaalis ako agad, ganun din pala ang kunsumo.”

Marami pang nasabi ni Istik na hindi maganda…

Matapos ang ilang minuto.

dumating ang fries ni istik at talagang sobrang init halos matuklap na ang plastik kaya nilagyan ito ng tissue.

Sabay hablot ng plastik na may lamang fries sabay lalabas na ng pinto.

Noong nakita n’yang walang ketchup, bumalik ito.

“Hay naku. anu ba yan! asan ang ketchup?”

“Ay sorry sir” sabi nung kahera.

Pagkabigay kay istik sabay talikod.

Sabay sabi ng “Pasensya na gutom lang ako!”

‘Yun naman yun e!. kahit may pagkakamali ang isang tao, matuto pa rin tayong humingi ng pasensya dahil tao rin naman sila nagkakamali.

Mukhang naiintindihan naman nila ang kalagayan ni Istik.

Haaaaaaaaay.. kaya wag palipas ng gutom, nakakasama yun sa buhay ng tao. hehehehe

Advertisements

27 Tugon to “Tutubee fastfood”

  1. hahaha tutubee? sang branch meron n’yan? makakain nga d’yan minsan.

  2. wag mo na kainan, nangangain mga tao dun.

  3. Malamang jollibee sa tutuban yan, kaya tutubee.. he he he

  4. Nagmamadali din akong umuwi para subaybayan ang Melason. Yun lang. 😉

  5. ayos! sa totoo lang pag tomguts ako naku hindi ako makausap ng matino! at naman galit syempre!
    hakhak! ang daming naadik sa melason ng pbb! ano ba yun? hakhak!

  6. ang sungit. yun ang kahit kelan di ko pa nagawa. magtaas ng boses sa iba. haha.
    kaya pag survival of the fittest, ako ang unang mamamatay. lol

  7. ako rin kapag gutom mainit din ulo ko… pero kapag nanjan na yung food bigla naman nageevaporate… parang walang nangyari… 🙂

  8. hahaha! may nasungitan ako one time sa kfc, paulit ulit kami sa order ko, e dami ko ng gutum nun, ayun… un pala di pa sya nagbbreak kaya ganun at namumutla na. nahiya ako afterwards… guilt.. guilt.. guilt…
    lesson learned: be more sensitive sa mga tao sa paligid, try to be nice khit di cla ganun ka-nice, kase di naten alam kung ano pinagdadaanan nila. 🙂

  9. cool ka lang istik!

    nanunuod din ako ng melason.. true love kase ang tawag dun. haha!

  10. kung ako lang yun baka nakain ko na yung tutubi sa labas sa tabi ng pinto. di ko pa na-try magwork sa paspud siguro manunungit din ako pag ganun. pero minsan mahirap talaga trabaho ng mga yun, kelngan lang talaga pag-igihin ano man nogagawa mo. aba may nasabiyata akong matino, haaha.

  11. naku, wawa naman si ate. buong araw nang nakatayo yun. 😦

  12. ayus, san kaya yan at mapuntahan.. hehehe 🙂

  13. mr. nonsense Says:

    buti pala ay wala kang dalang baril.
    hehe…di ko bigay sa yo address ko dahil baka patayan mo lang ako…o ituhok ng istik

  14. sabi nga, magbiro ka na sa taong lasing, wag lang sa gutom. haha. ano daw? 🙂

  15. lol. hahaha ang kulit nice :]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: