SUPER KARITON!

Lahat naman tayo dumaan sa pagkabata at lahat tayo nangarap na minsan ay maging super hero.

Noong bata pa tayo nakakakita lang tayo ng super hero sa komiko at telebisyon. At ang pagiging super hero ay nakikilala bilang tagapagligtas ng mga naaapi.

Nagiging malakas ang isang super hero sakaling lumunok ng bato tulad ni Darna at minsan naman, kung hindi kumakaunti ang kasuotan ay nababawasan naman ito hanggang bra’t panty na lang ang matira, yung iba naman bumabaliktad ang suot at nauunang suotin ang paglabas bago ang panloob, sabay magkakaroon din ng kapa. At ang mas nakakatuwa pinapakita pang nahuhubaran muna ang bida bago magpalit ng costume tulad nila Sailor Venus at Sailor Moon.

Yung iba naman nagiging aping bida muna (payatot at gusgusin) bago nagiging guwapings na super hero tulad nila Capten Barbell.

Yung iba naman grupo na may iba’t ibang kulay tulad ng BioMan, Maskman at Power Rangers na pawang nagiging hegante ang kalaban sakaling hindi na makaya ang lima laban sa nagiisang halimaw at sa huli nag magsasanib puwersa din sila para makabuo ng isang higanteng bida.

Patayan ang labanan para matapos ang paghahasik ng kadaliman.

Noong pumasok naman tayo eskwelahan nagkaroon tayo ng mga panibagong super hero totoo silang tao at sila ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang minamahal na Bayan tulad nila Gat. Jose Rizal, Bonifacio at iba pa.

Noong tumagal-tagal nagkaroon naman tayo ng mga makabagong bayani tulad ng mga OFWs, mga GURO, mga PULIS at SUNDALO pati na rin ang mga taong handang magbuwis ng buhay para sa Kapwa.

Akala ko noon kinakailangan mo munang mamatay para tawagin kang Bayani at hindi mo makukuha ang isang parangal na puweng igawad sa’yo hanggang nabubuhay ka pa.

May hindi pa ba nakakaalam?

Oo, Si Efren Peรฑaflorida ang bagong tinanghal ng CNN bilang HERO OF THE YEAR ngayong 2009. Nagkamit s’ya ng mahigit isang Milyong Piso kapalit ng kanyang mapagkawang pagtulong sa mga batang lansangan o sa mga batang walang kakayahang mag-aral sa eskwelahan dulot ng salot na kahirapan sa Pilipinas sa pamamagitan ng Kariton. Na ayon sa kanya at sa balita nobenta porsyento nito ay hindi para sa kanya kundi para sa binoo niyang guro at ang natitirang sampung pursyento ay hindi pa rin sa kanya kundi sa simbahan.

Ang sarap na naman maging Pilipino! dahil muli na naman tayong inangat ng kapwa pilipino sa buong mundo. Isang karangal na sa kabila ng mabahong sistema ng pulitika sa bansa ay may mga kumikilos pa din para punan kahit papaano ang kakulangan ng gobyerno na dapat tayo ang iniisip at hindi ang mga pansariling interes lamang.

Sabi nga ni Efren (sa sarili kong interpretasyon) ang mundo natin ay napapagiligiran ng napakaraming bayani, lahat tayo ay may natatagong pagpapakabayani sa loob na’tin ang tanging gagawin lang natin ay hanapin ito at ibahagi din sa iba na nangangailangan…

Tulad din ng mga super hero noong kabatan natin at ganoon din sa mga pinag-aaralan na’tin sa eskuwela, lahat ng bayani ay naging bayani dahil handa silang magsilbi at tumulong ng walang hinihintay na kapalit.

Ngayonm, sa tulong ni Efren higit pa s’ya sa mga bayaning nabawian na ng buhay. Isa siyang nabubuhay na bayani at inspirasyon para sa lahat.

Advertisements

38 Tugon to “SUPER KARITON!”

  1. Base! ๐Ÿ™‚

    Dakila at ikinararangal ko si Efren.

    Ang sinuman sa atin na may malinis na hangarin para sa kapwa at sa bayan ay maituturing na bayani. Karagdagang parangal para sa inang bayan ang makilala ang bawat Pilipino na walang pag-iimbot na itaguyod ang kapakanan ng kapwa, karangalan na makilala sa buong mundo.

    Ikaw, ako at sila. Tayo ay mga bayani sa sarili nating pamamaraan. Ngunit ano ang batayan upang ikarangal tayo ng bayan? Ano ang gagawin natin hindi para sa bansa kundi sa bansang dakila?

    Super Istik mabuhay ka tulad ni Efren at ng kangyang Super Kariton. ๐Ÿ™‚

  2. clap clap clap *confetti* sana dumami ang taong katulad ni efren… sana maging katuad ako ni efren…

    wagi siya! knock out niya tayo don… a good samaritan… mabuhey!

  3. just saw this blog today. these stick drawings are good!

  4. ayos! astig talaga mga noypi!

    hayun! hindi ko na pala kelangan magsuot ng mga kung anu-anong costume para tanghaling hero!

    bayani din naman ako eh! hindi nga lang sikat!
    bayani ako ng mga magulang ko! ng mga kapatid ko! oh yeah oh yeah! kumokorni!

    Mabuhay si kuya efren! isa ako sa nagvote sa kanya! hakhak!

  5. ang galing! hahaha

    ang kyut ng drawing!!

    si idol efren yan oh!!

    GO Team Philippines!!

  6. tama si efren, ang mundo natin ay napapaligiran ng bayani..

    maliban sa isang bayani na walang ka kwenta-kwenta at puro porma..

    sino siya? esep-esep!

  7. Aztig talaga si kuya efren….

    naturuan din nia ako dati.

    Vote for kuya efren for cnn heroes…

    • c Efren na po ang tinanghal na CNN Hero of the year kuya blogrammer…
      ang galing at naipakita nya sa mundo ang iba pang mukha ng pinoy! sana dumami pa “efren” sa mundo… (ipa-clone kaya? hehe)
      ganto na lng, pag may nagawa sateng kabutihan ang ibang tao, ibalik naten ito sa iba nmang nangangailangan, pay it forward… ๐Ÿ™‚

    • batang kalye kadin dati?

      tapos na botohan panalo na nga s’ya ๐Ÿ™‚

      • Ay, tapos na ba? Akala ko sa may 2010 pa eh. ๐Ÿ™‚

        Wow. Astig, congrats kuya efren.

        Ur my inspiration to be the what I can be.

  8. hehe. nasuklian narin ang pagkabayani ni efren. congrats pareng efren! artista k na. yehey! ahehe

    minsn naisip ko na SANA minsan sa darating na panahon. Hindi na ako makakarinig ng mga Natatanging Bayani na tumutulong sa kapwa. DAHIL KUNG PAPALARIN. SANA. KUNG MAARI. ANG BAWAT TAO SA MUNDO AY MAKILALA AT MAGING NORMAL NA LANG ANG SALITANG BAYANIHAN SA ISIP AT GAWA

    congratulations nga rin pala sa mga natalo no nominated sa CNN heroes of the yr. Hnd ko kau kilala. pero para sa mga taong natulungan mo, sa mga taong naniniwala sau at Sa Diyos

    ISA KAG TUNAY NA BAYANI!!

  9. sana next cnn hero…..

    ako. hahahahaha

  10. hays, kahit saan atang blog nababasa ko si Efren, sobrang hero naman kasi eh.. kaya proud lahat sa kanya, syempre ako din.. ๐Ÿ™‚

  11. mabuksan sana ang isipan ng ating mga pulitiko na paigtingin pa ang sistema ng edukasyon… ๐Ÿ™‚

    • Oo nga, hindi puro korapsyon ang nasa isip nila, nagbubulagbulagan sila sa mga problema ng bayan. Hindi ang proyekto ang priority nila kundi, kunga magkano ang kikitain nila sa kanilang proyekto.

  12. sana naman bigyan din ng pangulo ng honorary or merit si efren, dahil hindi lng naman si pakyaw ang gumagawa ng paraan upang makilala ang pinas sa buong mundo…sana dumami pa ang tulad namin ni kuya EFREN, (dyowk), in our ismol weys na di nakikita at napapnsin ng iba, subalit para iba ay isang pagpapatunay ng ating pagkamakabayani… “WHERE I’M FROM, EVERYONE’S A HERO”

    INGATZ

  13. kaya saludo ako kay kuya efren!

    nung nagbigay siya ng speech sa kodak theater, alam kong pinipigil niya ang pagdaloy ng kanyang mga luha. nakikita ko rin sa kanya na fulfilled na fulfilled siya sa ginagawa niya. alam ko naman kasing mahirap talaga ‘yon. ibubuwis mo ang sarili mo para matuto ang mga batang ito. hindi lahat ay magagawa ito kaya hangang-hanga ako sa kanya.

    i know that he truly deserves the award. lahat naman silang 10 finalists for CNN hero ay deserving in their own way.

    // sana mas marami pang maging tulad ni kuya efren.

    i’m proud to be PINOY!

    because…

    “WHERE I’M FROM, EVERYONE’S A HERO”.

  14. kuya efren nakakagalak po ang iyong ginawa sa mga bata kasi po kW lang po ang nagagawa ng ganoon sa mga batang nais mabigyan ng pagkakataon para maabot ang kanilang mga pangarap… alam u po nung napanood kita sa TV-patrol ay lubos po talaga ang napahanga ninyo……….. Sana po ay marami pa pong matulungan kayong mga bata.. Lugod po akong nagagalak sa inyo!! sana po ay ipagpatuloy po ninyo iyan.. Your the best HERO in the wOrd, KUYA!.. gudLuck po!..

  15. Si Efren Pena Florida ay nagligtas sa mga kabataan.nakatutulong siya sa kabuhayan ng mga bata.Siya

  16. limang star para sa sinulat mo..

    anim na star para kay efren..

    . . .

    ang ginawa ni efren ay hindi nagawa dahil naisip lang nya. nagawa nya un dahil nararamdaman nya. sana marami pang maging katulad nya. isang malaking sampal sa mga pulitikong kurakot.

  17. pers time ko dito. ang kyut ng mga illustrations mo. hehe. enjoy ako.

  18. my first! ๐Ÿ˜€ nyahaha ๐Ÿ˜€ uy nakita ko nga to sa CNN. grabe ang galing ๐Ÿ˜€ hanga ako.

    ok tong blog mo. LIKE ko sya ;D

  19. Mr. Nonsense Says:

    bayani at angels…pareho lang yan

  20. teka, ganyan ba ung kariton ni efren?? parang pang dyaryo-bote na yan ah! haha! :p

  21. haist maraming salamat po sa blog! kailangan ng idea para sa sulatin tungkol kai efren eh tns

  22. ooiissttt! san kana?! namamasko lang!! ๐Ÿ™‚

  23. […] elemento. Nababaliwala, naiisnab, parang biglang napaflush sa inidoro ang mga goodnews at achievements ng mga pinoy at ang masangsang na amoy ng mga balitang may kinalaman sa demonyo ang siyang […]

  24. ang galing ng drawing mo!

    ang galing ni kuya ef.. siya ang patotoo na hindi kailangan ng super power, kapangyarihan o kayamanan para makagawa ng mabuti sa kapwa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: