‘nyemas

Noong nasa highchool ako isang malakas na palo ng hanger o kaya’y walis tambo ang gumigising sa akin. Ngayong tapos na ako sa college umaatikabong sermon na lang ang gumigising sa akin.

Mahal ko ang Nanay ko pero may pagkakataong sa sobrang pagkabigla ko sa pagkakagising, minsan ko na itong nasabihan ng “Papansin” at ang malupet minsan ko na ring namura ito. Pero hindi ko naman iyon sinasadya.

Kanina isang sermon na naman ang inalmusal ko, tanghalian pala kasi tanghali na ako gumigising.

Dahil may orasan naman ang cellphone ko, inaakala kong alas-9 palang ng umaga kaya naman nagpatuloy ako sa pagkakatulog ko. Muli akong nagising ng alas-10 ng umaga at dahil dalawang oras pa ang oras ng gising ko ay natulog ako uli.

Naalimpungatan na lang ako ng makarining ako ng 3’oclock habits mula sa TV ng kapit kuwarto ko. tumingin ako sa orasan ng cellphone ko at alas 12 palang naman.

Kumilos ako ayon sa pang-araw araw kong gawain, mag-iigib, maghahanda ng makakain at maliligo, takang-taka ako dahil parang nasobrahan yata ako ng tulog dahil ibang iba sa regular ng gising ko.

Aba! pagtingin ko sa wall clock sa ibaba at alas tres na ng hapon!. Doon ko napagtanto na pinakailaman pala ng Nanay ko ang Cellphone ko.

At ang pinangangambahan ko baka binasa n’ya ang mga mensahe ng mga staker ko na puro kabastusan. Ano na lang kaya iisip ng Nanay ko?

Kapag pinagalitan ako mamaya ukol sa mga nabasa niya sa personal kong gamit, papagalitan ko din siya dahil pinakailaman nya ang gamit ko. hehehe

Aral: Huwag umasa sa orasan.

Advertisements

27 Tugon to “‘nyemas”

  1. wwaahh, ayus tu ah?!! natawa talaga ako! lols..
    oi, bakit naman nimura mu nanay mu?! magugulating bata!!

    uu nga naman, para patas kayu ni nanay, pag pinagalitan ka, e di pagalitan mu nga naman, nakikialam ng gamit! hehehe..

    aku momy ko, minsan lang mamalo nung bata pa kami, peru wag ka! nababali ang kahoy sa pwet ko! haha, ouch!!

    nice post! lafing time!!

  2. nyahahaha! yung phone ko dati pinapakialaman hanggang ngayon pero okey lang wala naman akong itinatago eh. hakhak!
    orasan ko lang kasi talaga eh yung selepono… buti na lang kamo at samsung itong selepono ko kaya hindi na nagrereset ang oras..
    napakasarap na tulog nyan! hindi kaya naningkit mata mo dahil sa sobrang tulog!

  3. hahaha…sama ko. basa ko nung una eh kepyas. sorry, hiniram ko kasi yung salamin ni ax

  4. green ka lang talaga Mr. Nonsense Hahahaha..

    kepyas? sounds yummy ha. hehehe.

    sino si Ax? pakilala mo ko.

  5. hahaha! patay kang bata ka kaya ako laging may password ang cellphone ko… hahahaha! next time be carefu ๐Ÿ˜›

  6. Kaya dapat may PIN ang phone.

    KAMPAI!

  7. Much better nung highschool di ba.

  8. technically, inde mo kasalanan un, pinakialaman ng nanay mo oras eh. haha. kaya dapat, may security code cellphone mo. nangyari na sakin yan eh. haha.

  9. isa lang gusto ko malaman.
    bakit pinakealaman ng iyong butihing ina ang cellphone?

    mga rason na maaaaring may pahiwatig na maganda… ๐Ÿ™‚

  10. Buti na lang di pinapakialaman ng magulang ko ang cellphone ko. We still value our piracy este privacy! Wag mong pagalitan ang iyong ina bagkus idaan mo sa maayos na usapan ang side mo! Always remember nag-iisa lang ang ina natin! Love your mom no matter wat words come out to her mouth! Karinyo lang nya sau un! Bow!

  11. ayaw mo nun instant alarmclock na may haplos ng pagmamahal.. awts. hahahha

  12. walaSTIK!!!

    add kita sa blogroll ko ah istik (oh)..

  13. mamats sige ad din kita ๐Ÿ™‚

  14. naku, wag dapat inaaway ang nanay. ๐Ÿ™‚

    napadaan lang…

  15. naku!!! buti na lang hindi marunong mag-cellphone nanay ko.

    safe ang mga private messages ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: