Senti under the tree

Minsan nang nakapanood si Istik ng isang pelikula na may kaugnayan sa isang puno. Pagkatapos mapanood iyon, parang kaugnay na ang lahat ng puno sa bawat pag-ibig ni Istik.

Single si Istik ngayon at napakasarap magpakaemo ngayon. Siyempre saan pa ba niya pipiliing magpakaemo kundi sa ilalim pa rin ng puno.

Nakatingin sa mayayabong na dahon, minsan na man sa mga sangang tuyo at minsan sa mga ugat nito. Marami siyang pumisyong nagagawa dito habang nagmumukmok. Minsan nakasandal sa Puno habang nakadigit ang isang paa sa katawan nito. Minsan naman masarap maupo sa malaking ugat nito habang iniisa-isang pitasin ang mga damong nagkalat dito.

Minsan nang umibig si Istik at isa na yata sa pinaka-hindi malilimutang pangyayari ay noong minsang isinulat niya ang pangalan nila dito. Tanda ng ukit na walang hanggang pagmamahal ni Istik sa kanya.

Kaso naiwang mag isa si Istik sa lilim ng punong iyon, umiiyak at nanatiling nakatayo habang naghihintay sa wala. Umaasa pa din na sa ilang saglit ay baka balikan pa s’ya.

Halos araw-araw ding inubliga ni Istik ang sarili na tumambay doon hanggang isang araw nagulat na lang siya na wala na siyang nadatnan na puno.

Mangiyak-ngiyak si Istik noon.

At doon niya napagtantong kailangan na niyang mag move on. Ang pag-asa hindi lang maganda lagi ang dulot minsan ang pag-asang iyon ay nagbibigay din ng hapdi sa nararamdaman mo. Mahirap umasa nang wala ng inaasahan.

Malungkot si Istik ngayon at umaasang dadating ang araw na muling tutubo ang sanga sa puso nito na magbibigay ng matatamis na ngiti.

Advertisements

51 Tugon to “Senti under the tree”

  1. andaming emo ngayon! haha.
    im sure tutubo din yang sanga ng puso na yan. and sana, yumabong ng yumabong ng yumabong. hanggang makangiti ka na palagi.

    kelangan kasi ng lungkot. kasi kung walang kalungkutan, pano natin malalaman kung kailan tayo masaya? 😉

    napadaan lang sa blog mo! 🙂

  2. wwaahhhh ( pahid sa mata ) anu kaba istik! pati aku nagiging EMO eh, aku din one day umaasa na ganun sa inaashan ni istik! mahirap umasa peru minsan ginagawa padin natin at umaasa nga na baka may pagkakataon pang maulit ang lahat, gaya mu kung may punu din ditu baka nakaupo nalang ako maghapon waiting for nothing! hhmmppt, kasi naman si istik eh, pati tuloy ako nahahawa! peru minsan din kelangn nalang natin na i let go, peru ayoko sa ngayun! hehehe..

    hmm, ok lang yan.. cheers!!

  3. bago ang lahat ako’y nahuhumaling sa iyong mga drawing, ang galing batang istik… minsan nga iguhit mo ako kaso mejo mahihirapan ka kase mejo lumba-lumba ako… 😆

    speaking of pag-ibig, hayaan mo na, lahat naman ata tayo dumadaan sa mga pagkakataong ganyan… wak ka na malungkot ilipas din yan… ako minsan din umasa hindi pala minsan-madalas pa, kaso ayun sumasakit lang ang bangs ko, maraming dumadaan pero yung hinihintay ko di dumadating… iba palang puno ang pinuntahan…

  4. wala na pala un punong un e, kaylangan mo nang humanap ng ibang lilim… mahirap maghintay sa wala, sobrang hirap umasa. but always believe na pwedeng mangyari ulit lahat ng masasayang bagay, pero sa lilim na ng ibang puno kasama ng bago mong mamahalin. 😉

  5. I-try mong mag move on, pero bagalan mo. Baka sakaling makahabol pa sya. 😀

  6. kung sakaling wala ng ibang puno… baka may makita ka sa paligid mo na naghahanap din. sabay kayong mag-punla… itanim ang puno. diligan ng pagmamahal. paarawan ng pangangalaga at pagyabungin ng tiwala na aabot ito hanggang sa mamunga ng walang hanggang pag-iibigan.

    istik, nasa puso mo ang binhi. pagyamanin mo at wag hayaang mamatay.

  7. wow! ang emo! magmove on lang kasi… hakhak!
    oh well towel wala akong alam sa ganyang bagay eh.
    pero agree ako sa sinasabi ni kuya bundok! ang deep!

  8. nag eemo rin pala ang bata kahit stik lang sya..

    mukang malalim ang pinaghuhugutan nito batangistik..
    darating din yung iniintay mo wag ka mag-alala.
    lumipat ka ng puno kung mainip ka.

    • ang pag-ibig pareng jason ay nakapaghihintay. kung hindi ka makapaghintay hindi pag-ibig maituturing iyon. -pagpapakatanga.

      paano na lang pag bumalik yun, tapos wala ka na pala doon, edi mas nadagdagan lalo kalungkutan mo.

      salamat sa muling pagbisita.

      • pero ang pag-ibig istik ay hindi lang puro paghihintay,pagpaparaya din at pagpapalaya sa sarili… wag mong itali sarili mo sa punong tuyot na, hindi lang sa kanya umiikot ang mundo, hayaan mong lumago ka…

      • nagbalik ka Davin. asan na URL mo?

        ang ganda ng sinabi mo Davin!

      • salamat… sana gawin mo. 😉
        wala nga pala kong blog kung url nun ang hinahanap mo. wala lang akong magawa sa opisina, kaya sa namamasyal masyal ako d2. ahehehe… at least di halatang petiks pag nagbabasa basa (nka-tiger-look pa para kunwari seryosong seryoso nag-aaral) nyahahhaa… madalas akong online add mo n lng ako sa ym 🙂

      • wow butika kapa petiks sa work

        sige add kita sa YM ko.

        salamat naman at isa ang blog ko sa naisipan mong tambayan.

  9. kakaawa si istik. marami talga nakakarelate sa ganyang storya. halos lahat ata ng nging heartbroken eh.

    bakit yung puno hnd gawa sa stick?

  10. istik?

    hehehe!

    kala ko intsik

    madali lang maka move on kung gugustuhin mo lang talaga 😀

    o xaxa bb 😀

  11. Naku, di dapat nagtatatambay si Istik sa ilalim ng puno.
    Delikado.

    Emo?

    KAMPAI!

  12. ganyan nga tol. natutuwa ako at nagmove-on ka na. nagmove on na rin kasi ang iba pang mga kaibigan kong mga bloggers na sina miss pink diaries at si miss teentoinks. hehe.

  13. Cheer up stick, Tayo na at baka maiputan ka pa ng ibon jan sa ilalim ng puno. Dapat maghanap ka na ng inspirasyon mo sa buhay para di na sad si istik.

  14. oo nga e kakalungkot pare, puwede ka bang maging inspirasyon? hahahahaah. lolz

  15. krayolangputi Says:

    hai…ang daming emo dahil sa lablyf. =) move on istik. (ang cute ng istik..haha!) istik. istik. istik. (parang adik lang n ngcomment) =p

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: