Bestfriend

bestfriend.tif

Minsan, naitatanong ko sa sarili ko kung ano nga ba ang tunay sukatan ng pagiging magkaibigan? Ito ba’y nasusukat sa tagal ng pagsasamahan? o nasusukat sa kung gaano mo s’ya  kalalim pinagkakatiwalan?

Paano mo ba masasabi kung malatalik mo nang kaibigan ang isang tao? Kapag nagawa mo na ba s’yang murahin? at kapag nagawa mo na s’ya lait-laitin? (puwede).

hmmm.. kapag kaibigan na talaga ang pinag-uusapan minsan natatameme na lang ako, kasi naman parang napakahirap para sa’kin ang makahanap nito, kahit pa nagkalat lang sila dito. Minsan kasi natatakot ako na sa minsang pagkawala nila, mauuwi na naman ako sa  mala-kulangot na kalungkutan.

Di naman ako guwapo di rin naman ako matalino, pero parang ang choosy-choosy ko pagdating  sa kaibigan.. parang yung kasabihan “kapag gusto mo, ayaw sa’yo. yung araw mo yun ang may gusto sa’yo” ang gulo no?

Bakit ko nga ba nakukuwento ‘to? Kasi naman gusto kong maging matapat sa kaibigan ko ukol sa umiikot sa buhay ko, pero natatakot ako na sa oras na malaman n’ya ay siguradong may mababago. Hindi ko nga lang alam kung sa pabor o di pabor ang magiging resulta nito.

Dito ko napatunay na kahit anong close mo sa isang tao ay magagawa mo pa ring maglihim dahil takot kang mawala ito.

Pero, kung kabigan mo naman talaga ang tao, kahit anong baho ang maibulaslas mo ay tatanggapin n’ya ‘to di ba?

Advertisements

42 Tugon to “Bestfriend”

  1. Base! Haha!

    Di ako makapag-comment… It hurts.

  2. 2nd base,

    pareho, dahil pag matagal na ang samahan malalim na rin ang pagtitiwala sa isat-isa. dapat laging magkasama yan.

  3. hmmm marami kang katanungan… ito ang masasabi ko jan ang pamimili ng kaibigan ay instinct yan, pero hindi dahil feeling mo ay magkaibigan na kayo eh pagkakatiwala mo na lahat… hindi ganun iyon, lahat ng bagay may limitasyon.

    tama ang sinabi mo sa huli, na kung kaibigan talaga siya tatanggapin ka niya ng buong puso… normal lang ang tampuhan, normal lang ang awayan, pero maniwala ka, yan ang mga nagpapatibay ng samahan…

    btw, gusto ko bahay mo… babalik ako rito… 😉

  4. di ko talaga binasa, nakyutan lang ako dun sa drawing. saka inaantok na ako.

  5. wow, galing nman,you express the emotion huh.. galing mu mg guhit..

  6. agree ako. kasi wala namang perpektong samahan e. yun nga lang nasusukat din kasi yan sa kung paano natin pagkakatiwalaan ang isang tao

  7. hi!!

    add na kita sa links ko huh 😉

    para sakin lang don’t be afraid to take risks..

    para wala ka pagsisihan sa huli.. yung mga what ifs..db..

    pero ewan ko sayo kaw bahala.. hehehehe..

    ^^,

  8. Waaaahhh…

    Miss ko na ang bespren ko! 😦

  9. sa tingin ko hindi naman siya nasusukat sa haba ng pinagsamahan nasa tiwala lang talaga… pero kung bestfriend ang pinag-uusapan malamang may epekto ang pinagsamahan at tiwala…
    wala naman akong maturing na bestfriend. hakhak!
    well parehas lang tayo di pa ako ready magshare ng mga kung anu-ano tungkol sabuhay ko.

  10. “To gain a friend, you should first be a friend”… yan ang turo ng kaibigan ko..

    guess we have the same problem.. but like I posted weeks ago, I would try to overcome my prejudices and just go with the flow… besides it’s a friend I would be hoping to win, not a potential partner 🙂

  11. hahaha! drawing ka nga ng nagnonosebleed na stik? hakhak! may tanong ako, kaano-ano mo si cheese stik? hakhak!

  12. krayolangputi Says:

    ang cute ng drawing =)

  13. di lahat perpekto. 😀 ako miss ko na ung kaibigan ko. 2 years na kami di nag uusap dahil sa isang araw. pero na mimissko na sya ;D di ko naman mapuntahan, ma pride ako eh. kasalanan nya no! 😀 dpat sya magpakumbaba wahaha!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: