Love ko ‘to?

di na ko love.tif

Dati nagbabasa lang ako ng blog, ngayon magbablog na din ako.

Salamat sa taong nag-udyok sa akin para makapagsulat ako dito.

Sabi niya kasi sa akin, magandang labasan daw ito ng problema, hinaing o saloobin. Tamang tama naman ito ngayon dahil nakadarama ako ng ordinaryo subalit napakahirap tanggalin -ang nabigong pag-ibig.

Tandang-tanda ko pa ang pinakamalungkot naming sandali sa loob ng Mcdonalds. Noong una masaya pa kami nagkukuwentuhan pero sa bawat salita na kanyang binibitawan, tila alam ko na ang ibig parating nito.

Tama ang iniisip ko, nakipag hiwalay nga siya sa akin noong oras na iyon at sa lugar na iyon. Siyempre mahirap tanggapin.

Hanggang ngayon  nga ay hindi ko pa rin matanggap na wala na s’ya sa akin.

Hindi ko na matandaan kung kailan iyon pero tandang-tanda ko pa ang mga huling sandali namin.

Paglabas namin ng Mcdonalds napakalayo na agad ng tingin ko, ni-ayaw ko na siyang tingnan at ni-ayaw ko ding yumuko dahil sa konting sandali baka tumulo ang nagbabadya kong emosyon.

Noong magpapaalam na kami sa isa’t isa tinapik ko pa s’ya sabi ko “sige ingat ka” papunta sya sa kanan at ako naman sa kaliwa. Mabilis ang bawat pangyayari at sa aktong pagtalikod namin sa isa’t isa hindi ko na nagawang lumingon pabalik.

Nakangiti akong naglalakad at sa bawat ngiting iyon unti-unti na itong bumabaliktad kasabay ng mga agos ng panghihinayang sa mga masasayang araw na sinasariwa.

Siguro mahal ko lang talaga siya kaya magpahanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin matanggap.

Siguro ito na ang pagkakataon para makapag move on at libangin ang sarili sa nakakatuwang libangan -ang blogging.

Advertisements

18 Tugon to “Love ko ‘to?”

  1. welcome sa buladasperyo!

    tungkol sa di maganda experience, eh ganyan naman kasi talaga buhay. makes sure lang na kapag nag decide ay yung nasa tama at hindi basta bugso lang ng damdamin

  2. Hehe. Ang kulet ng blog mo.

    Reminds me Timberboy’s blog!

    Keep it up!

    Welcome sa blogosphere!

  3. Awwwwww… Parang eksena sa teleserye or movie….

  4. hello, naku hanggang ditu ba naman?! ganyan talaga ang life! 🙂

    be safe!! 🙂

  5. bago lang ako sa blog mo.. love ko na din ito. 🙂

  6. alam mo, makakahanap kapa nang iba. 🙂 gaya ko. i’m happier now 🙂

  7. galing mo…
    kakatawa- awa- tuwa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: